Aktres inamin sa ilang kaibigan ang relasyon sa mayaman at maimpluwensiyang personalidad
Noon pa pinag-uusapan ang relasyon ng isang aktres sa isang mayaman at maimpluwensyang tao pero walang magkalakas ng loob na magtanong sa kanya tungkol dito. Kahit madalas silang nakikitang magkasama, hanggang tingin lang ang lahat pati ang press at sa tsikahan lang pinag-uusapan ang tungkol doon.
Pero pagkatapos aminin ng aktres ang relasyon nila nang tinutukoy namin, wala nang magtatanong pa sa mga nakarinig kahit bisitahin ang aktres sa kanyang place of work ng kanyang significant other. Sa isang “dalÂdal moment†ng aktres, kaswal na inamin ang relasÂyon sa mayaman at maimpluwensyang tao, binanggit ang pangalan nito. Pati kung ilang taon na silang nagmamahalan, sinabi rin.
Nagulat nga raw ang mga nakarinig dahil wala namang deretsahang nagtanong, bigla na lang sinabi ng aktres na karelasyon nga niya ang nasabing tao. Ang wish ngayon ng mga napagkuwentuhan ng aktres sa kanyang love life, ganahan uli itong magkuwento para mas marami pa silang malaman sa taong minamahal nito.
Baby Zion sobrang kinatuwaan, may fan page na rin
Busy ang darating na Sunday ng celebrity baby na si Baby Zion dahil bago ang binyag niya at post-birthday party, may double exposure rin siya sa TV. Mauuna siyang mapapanood sa Kapuso Mo, Jessica Soho dahil featured siya at ang parents niyang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Tiyak makikita rin si Zion sa It Takes Gutz to be a Gutierrez dahil mula nang ipakita sa pilot episode, marami ang nagre-request na muli siyang makita. May mga humihiling din kina Richard at Sarah na video naman ni Zion ang sunod nilang i-post sa Instagram (IG).
Tuwang-tuwa kay Baby Zion hindi lang ang fans nina Richard at Sarah, pati fans ng ibang artista, cute na cute sa kanya. Nadagdagan ang followers sa Instagram (IG) nina Richard at Sarah dahil sa baby nila at ang nakakatuwa pa, ginawan ng fan page sa IG si Zion at marami agad ang nag-follow. Last time we checked, may 3,702 followers na ang BabyZionthelion.
Derrick at Barbie malabong magkarelasyon
Hindi lang pala kami ang nakaramdam na parang may nabago sa relasyon nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. Habang kausap sila sa presscon ng The Half Sisters, feeling namin, nawala ang sweetness at kilig ng magkaibigan.
Dati, kahit alam naming friends lang sila, may kilig sa kanilang dalawa na para bang any moment, mauuwi sa BF/GF relationship ang friendship na ‘yun. We hate to disappoint their fans na umaasang magkakarelasyon ang dalawa, pero parang maÂlabong mangyari ‘yun sa ngayon.
Tapos nabalitaan naming nali-link pala itong si Derrik kay Issa Pressman na sister ng Viva Artist talent na si Yassi Pressman. Sa dance recital ni Issa, present si Derrick. Inuudyukan nga si Derrick ng iba niyang fans na aminin na ang relasyon nila ni Issa, hindi raw ito makasisira sa love team nila ni Barbie at maiintindihan ito ng kanilang fans.
Sabagay, si Barbie si Dennis Trillo pa rin ang bukambibig at kilig-kiligan nga ito nang i-promote ng aktor ang The Half Sisters sa kanyang fans.
Ina Feleo ipinahihiram ng home network
Special guest sa Ang Dalawang Mrs. Real si Ina Feleo bilang biological mother ni Marc Justine Alvarez, ang adopted nina Maricel Soriano at Dingdong Dantes sa nasabing soap. Kuwento ng child actor, isa sa madrama niyang eksena sa prime time soap ay nang mamatay ang karakter ni Ina dahil noon pa lang niya malalamang nanay niya ito.
Speaking of Ina, mabuti at muli siyang pinayagan ng Star Magic ng ABS-CBN na mag-guest sa soap ng GMA-7. Una siyang ipinahiram sa Akin Pa Rin ang Bukas at ngayon, dito sa Ang Dalawang Mrs. Real.
- Latest