^

PSN Showbiz

Marian matalas ang mga sinabi kay Heart

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masaya ang tsikahan ng dating magka-love team na sina Janno Gibbs at Manilyn Reynes kasama si Regine Velasquez sa Sarap Diva. Binalikan nina Janno at Manilyn ang mga pinagdaanan nilang dalawa nung kainitan ng kanilang love team.

Abangan bukas ng umaga ang Sarap Diva, na kung saan nagpatikim si Manilyn ng Visayan dish na Tinuom na paborito pala ng asawa niyang si Aljon Jimenez.

PAK: Masama ang loob ng mestisang aktres sa kanyang ina na pinagawaan niya ng bahay sa kanilang probinsya.

Pinaghirapan pa naman ni mestisang aktres na mapatayuan ng bahay ang nanay niya. Ang buong akala niya, matutuwa ang nanay niya pagkakita ng bahay pero hindi pala.

Ayaw ng nanay tumira sa bahay na ‘yun dahil maliit daw. Kaya namroblema si young actress kung ano ang gagawin sa bagong gawang bahay kung hindi naman pala ito titirhan ng nanay niya.

Ang sabi ni mestisang aktres, nag-iisa lang naman daw ang nanay niya, bakit daw kailangan pa ng malaking bahay.

Saka iyun lang daw ang kaya niyang ipatayo, na ang buong akala niya ay matutuwa ang nanay niya.

Pinag-iisipan na lang ni mestisang aktres na ibenta kung ayaw talaga itong tirhan ng nanay niya.

BOOM: Matalas pa rin ang mga pahayag ni Marian Rivera nang muling napag-usapan ang hidwaan nila ni Heart Evangelista nang na-interview ito ni Manay Lolit Solis para sa Startalk.

Tinanong siya ni Manay Lolit kung bakit hindi pa rin maayus-ayos ang gap nila ni Heart.

Sagot ni Marian: “Una sa lahat, ayaw ko pong pag-aksayahan ang mga taong hindi ako mahal.

 â€œPangalawa, may mga tao talagang hindi ko mapi-please. Mahirap din mag-judge kung saan nagmumula ang mga isyu na ‘yan.

 â€œPara sa akin, masarap mabuhay eh. Kapag masaya ang isang tao, lahat makikita na maganda sa kapwa mo.

 â€œNgayon po, kung hindi maganda ‘yung nakikita mo, parang there’s something wrong. So, para sa akin magpo-focus ako sa mga taong nakikitaan ko na mahal ako at mamahalin ko rin, dun ako magpo-focus.”

Iyun na raw ang huling sagot ni Marian sa isyu nila ni Heart dahil ayaw na talaga niyang pag-usapan.

Nasa Amerika pa kasi si Marian, kaya hindi niya personal na ma-promote ang bagong dance show niyang Marian na magsisimula na sa June 21 pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.

 

ALJON JIMENEZ

DADDY KO

HEART EVANGELISTA

JANNO GIBBS

KUNG

MANAY LOLIT

NIYA

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with