^

PSN Showbiz

Aktor kumpirmado, kapwa aktor ang karelasyon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi shocking sa akin ang tsismis na kapwa aktor ang bagong dyowa ng aktor na matagal na questionable sa publiko ang kasarian.

Na-meet ko na ng ilang beses ang aktor na diumano’y kinababaliwan nga­yon ng aktor at ang tipo nga niya ang weakness ng huli.

 â€˜Yun nga lang, may amnesia ang aktor dahil mahina ang memorya nito kaya hindi siya popular sa press. Hindi nakapagtataka na hindi siya sumikat-sikat dahil pinili rin ng mga reporter na huwag matandaan ang aktor na amnesiac.

Hindi dapat umasa ang aktor na magtatagal ang secret affair nila ng aktor dahil mabilis itong masawa sa mga lover. Parang damit lang kung magpalit ng dyowa ang aktor na malandi pa sa mga tunay na babae.

Annabelle Rama personal ang pangingimbita sa binyag ni Baby Zion

Excited na ako sa mga give away sa binyag ni Baby Zion, ang anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Kausap ko sa telepono si Annabelle Rama noong Miyerkules dahil personal ang kanyang pag-iimbita para sa binyag ng apo niya.

Sinabi ko kay Bisaya na hindi ako makakara­ting bilang araw ng Linggo ang binyag ni Zion. Nag-request na lang ako na padalhan niya ako ng loot bags dahil isa ito sa mga kaligayahan ko sa buhay.

Newsmaker si Zion dahil pinag-uusapan siya sa lahat ng mga lugar na pinupuntahan ko. May mga solo article rin tungkol sa kanya kaya star na star ang pinakabago at youngest celebrity sa pamilya ng mga Gutierrez.

Hiningi sa akin ni Annabelle ang mga telephone number ng mga alaga ko na iimbitahan din niya sa binyag ni Zion.

Susan at Erap parehong ninong at ninang sa binyagan at kasalan

Magkasunod na araw na magkikita sina Susan Roces at Manila City Mayor Joseph Estrada.

Bukas ang kasal nina Boots Anson Roa at Atty. King Rodrigo. Parehong wedding sponsor sina Papa Erap at Manang Inday (Susan Roces).

The following day, magkikita uli ang dalawa dahil mga ninong at ninang naman sila sa binyag ng anak nina Richard at Sarah. Nagkataon pa na pareho ang venue ng wedding reception nina Mama Boots at Atty. King at ng binyag ni Zion.

Hindi ko rin mapupuntahan ang kasal nina Mama Boots at Atty. King dahil kasabay ito ng Startalk. Nanghihinayang ako dahil hindi ako makakaharbat ng kanilang wedding giveaways, unless padalhan nila ako.

LT sikat na sikat sa Malaysia

Nagsimula nang mag-taping si Lorna Tolentino para sa My Destiny, ang bagong teleserye niya sa GMA 7.

Nag-taping si LT noong Miyerkules at ang Malaysian fans niya ang isa sa mga nag-wish sa kanya ng good luck.

Kilala si LT sa ibang mga Asian country dahil napapanood dito ang mga teleserye niya sa ABS-CBN at GMA 7. Kilalang-kilala si LT sa mga pangalan niya sa kanyang mga old teleserye.

Ryzza sosyal na sosyal na

Invited ako kahapon sa birthday party ni Ryzza Mae Dizon, somewhere in Greenhills pero hindi na ako pumunta dahil sinulit ko ang holiday bilang kahapon ang Independence Day ng ating bansa.

Ang nanay-nanayan ni Ryzza Mae na si Dolor Guevara ang nag-imbita sa akin sa birthday celebration ng aleng maliit. Sosyal si Ryzza dahil mga sikat na celebrity ang bumati sa kanya ng happy birthday sa social media. Pati si Baby Zion, nagpaabot ng pagbati kay Ryzza sa pamamagitan ng fan sign.

 

AKO

AKTOR

ANNABELLE RAMA

BABY ZION

DAHIL

MAMA BOOTS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with