^

PSN Showbiz

Wala kasing anak na lalaki Nanay ni Sarah tanggap agad ang apo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tanggap na rin ng mommy ni Sarah Lahbati na si Esther ang maagang pagkakaroon ng anak at pamilya ng kanyang kaisa-isang anak kahit hindi pa ito kasal kay Richard.  Tulad nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, lukung-loko rin si Mommy Ester sa kanyang apo lalupa’t hindi siya biniyayaan ng anak na lalaki.

Pokwang umaasa pa ring magkakaroon ng ‘happily ever after’

Dalaga na ang kaisa-isang anak ng singer-comedienne na si Pokwang, si Ria Mae kung saan nakatuon ang kanyang attention. 

Inamin ng teener na gusto niyang makita at makilala ang kanyang Japanese biological father, bagay na hindi ipagkakait ni Pokwang sa kanyang anak. 

Tulad ni AiAi de las Alas, mag-isang pinalaki ni Pokwang ang kanyang anak na isang culinary student ngayon.

Alam ni Pokwang na balang araw ay magkakaroon ng sariling pamilya ang kanyang anak at dito niya marahil kakailanganin ang kanyang makakasama sa buhay.

Kahit idinadaan lamang ni Pokwang sa biro ang lahat, hindi nito ikinakaila na umaasa pa rin siyang makatatagpo siya ng lalaking kanyang mamahalin at mamahalin siya at ang kanyang anak.

Eugene nawawala sa eksena

Bakit kaya tahimik ngayon ang comedienne na si E­ugene Domingo?  Kung dati-rati’y kabi-kabila ang kanyang mga ginagawang pelikula, ngayon naman ay halos wala tayong nababalitaan na kanyang pinagkakaabalahan liban sa kanyang weekly comedy game show na Celebrity Bluff sa GMA.

 

ANAK

ANNABELLE RAMA

CELEBRITY BLUFF

EDDIE GUTIERREZ

KANYANG

MOMMY ESTER

POKWANG

RIA MAE

TULAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with