Sen. Bong umaasa sa bukang liwayway
Natuwa ako dahil positive ang mga feedback sa privilege speech ni Senator Bong Revilla, Jr. sa senado noong Lunes.
May mga negative feedback na hindi maiiwasan, pero mas marami ang mga pumupuri sa pasabog at very positive na farewell privilege speech ni Bong. Ibang pasabog kasi ang inaasahan ng mga nega na kaligayahan na ang mamintas ng kapwa at nag-isip na baka mag-resign si Bong bilang senador.
May mga hindi nakapanood sa TV ng privilege speech ni Bong na gustong mabasa at marinig ang mga bilin at pasasalamat niya sa kanyang pamilya, kaibigan, at supporters.
Ito ang bahagi ng privilege speech ni Bong, ang list na ikinagulat ng kanyang mga kasamahan sa senado.
“Mr. President, before I end, I also have a list. Mas matindi ito sa lahat ng iba pang listahan. Para sa ikabubuti ng bansa, hayaan niyong ibahagi ko ito sa inyo. Wala akong itatago.
“First on my list, is God. Unang-una, at higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos na alam kong hindi niya ako bibigyan ng pagsubok na hindi ko malalampasan. Lord salamat po sa pagkakataon na higit ko Kayong nakilala. Thank you for walking with me during these times of trial. Tulad ng lagi, alam ko pong hindi N’yo ako pababayaan. Alam kong hindi Mo pababayaan ang bayan.
“Pangalawa sa aking listahan ay ang aking ama at pamilya na patuloy nagbibigay sa akin ng lakas at tibay. Daddy, I love you, babangon tayo.
“To my wife and kids, we shall overcome! Be strong. Ipagpatuloy ninyo at higit pang pag-ibayuhin ang pagtulong sa kapwa. Mama, salamat sa pagmamahal. Mga anak, salamat.
“Pangatlo, my colleagues:
1. Senate President Drilon – I pray that you, as the leader of this chamber, will be successful in rebuilding this institution. Ipaglaban mo ang institusyong ito;
2. Senator Ralph Recto – A true gentleman; Your economic foresight and expertise continue to benefit the country. Saludo ako sa iyo;
3. Senator Alan Peter Cayetano – I wish you good luck in all your endeavors;
4. Senator Tito Sotto – ‘Di lang kita Tito, para kitang kuya. Marami akong naipasang batas noong Majority Floor ka. It is an honor working with you. Salamat sa suporta;
5. Senator Gringo Honasan – I look up to you. Your humility is worth emulating. Your patriotism is beyond question. I salute you;
6. Senator Miriam Santiago – I’m praying for your health. Get well soon Ma’am, the Senate needs your expertise;
7. Senator Lito Lapid – Kaibigang Lito, ikaw ang Leon Guerrero ng masang Pilipino. Bida ka talaga ng masa;
8. Senator TG Guingona – Kaibigan pa rin kita no matter what. Lead the Blue Ribbon Committee.
9. Senator Sonny Angara – I look up to your father. Continue his legacy;
10. Senator Grace Poe – Salamat. Nakikita ko sa iyo ang puso ng iyong ama. Ang tunay na panday. Ipagpatuloy mo ang mga hangarin niya para sa bayang Pilipino;
11. Senator Jinggoy Estrada – Kosa, hanggang dito ba naman magkasama tayo? Pinagtatawanan tayo siguro ni Daboy (Rudy Fernandez) ngayon. Kidding aside, hindi ito ang katapusan natin pare. God is just preparing us for something better;
12. Senator Loren Legarda – Seatmate, I will miss your enthusiasm in serving our kababayans;
13. Senator Sonny Trillanes – I will always admire your tenacity in fighting for the Filipino people;
14. Senator JV Ejercito – Sa maikling panahon ng pagkakasama natin, nakita ko ang puso mo na tulad ng iyong ama. Isa lang ang hiling ko, sana magkasundo na kayo ng kapatid mo;
15. Senator Bam Aquino – Keep it up. You’re on the right track;
16. Senator Koko Pimentel – I will always treasure the advice and guidance of your father when we worked together. I see him in you;
17. Senator Serge Osmeña – Brilliant. A good person and a good friend;
18.Senator Pia Cayetano – Continue to be an inspiration to women;
19. Senator Cynthia Villar – Isa kayong inspirasyon ng Sipag at Tiyaga;
20. Senator Chiz Escudero– Please be careful with your Heart. Kidding aside, your passion is without equal;
21. Senator Nancy Binay – Your father can truly be proud of you;
22. Senator Bongbong Marcos – Pare, nakita ko sa iyo ang sipag mo, ang galing mo, at ang talino mo. May aabangan pa ang bansa sa iyo;
23. Senator Enrile – I can only wish I live a full life like yours. One of the greatest leaders of this country. Your brilliance, your experience, brought a culture of excellence not only to this institution but to every institution you have led. You are undoubtedly the ultimate statesman.
“To Congress, ibangon natin ang nayurakan na institusyon. Pagsikapan at pagtulungan natin na hindi na muling mangyari ang ganitong yugto sa ating kasaysayan.
“Salamat sa aking kaibigan, my party President Congressman Martin Romualdez. Hindi mo ako iniwan. Naramdaman ko sa iyo kung ano ang isang tunay na kaibigan. Mapalad ang iyong mga pinamumunuan.
“Salamat sa aking mga kapartido sa LAKAS-NCMD, lalo na kay dating Pangulong Fidel Ramos who mentored me and continues to share with me his kindness and wisdom.
“Former President and Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo, you have always been in my prayers, and I will always continue praying for you. Kaya mo ‘yan Ma’am.
“Vice President Jojo Binay, you are a true man of vision. Your track record speaks for itself. Mabuhay ka.
Former President and Mayor Erap Estrada, may our present and future leaders emulate your sense of forgiveness. Tunay kang ama ng masang Pilipino.
“Nagpapasalamat din po ako sa industriya na aking kinalakhan at humubog sa akin. Salamat sa aking mga tagahanga na sumuporta at tumangkilik sa akin bilang artista sa pelikula at telebisyon, gayundin sa lahat ng aking mga nakasama at nakatrabaho.
- Latest