^

PSN Showbiz

Mayor Herbert naghihintay sa ‘ganti’ ni Kris

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ngayong nagsalita na si Mayor Herbert Bautista tungkol sa kanilang short-lived love affair ng Presidential sister na si Kris Aquino, hindi umano ito nagustuhan ng Queen of All Media na kahit minahal niya si Kris, hindi naman niya puwedeng isakripisyo ang kanyang mga anak na mahal na mahal niya.

Since may daily morning and evening show si Kris at ang weekly showbiz talk show na The Buzz, siguradong magbi-vent-out ito ng kanyang sama ng loob sa alkalde ng Quezon City and Mayor Herbert should be ready for this. Unless panindigan ni Kris ang pananahimik.

Kung tutuusin Salve A., nakakatakot makarelasyon si Kris. Kailangang handa at matibay ang dibdib ng isang guy kung nais nilang ligawan at mapalapit sa presidential sister. Ang ilang guys na nakarelasyon noon ni Kris ay sina Gabby Concepcion, Phillip Salvador (kung kanino siya may isang anak, ang 19-year-old na si Joshua), Joey Marquez (na nauwi pa sa demandahan ang kanilang naging relasyon), James Yap na kanyang pinakasalan at may isa silang anak, ang 7-year-old na si Bimby. Nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon at nagkaroon din ng demandahan. At nitong huli ay si Quezon City Mayor Herbert  na ilang buwan lang yata tumagal. Na-link din kay Kris ang actor na si Diether Ocampo.

Sa totoo lang, maraming guys ang takot na ligawan si Kris dahil na rin sa kanyang ugali.

Bumilib ang marami sa longtime partner ni QC Mayor Herbert na si Tates Gana kung kanino may dalawang anak ang alkalde dahil never itong nakisawsaw nung kasagsagan ng issue sa pagitan nina Kris at alkalde ng QC. Nanati­ling tikom ang kanyang bibig bagay na nakatulong na­­man para ma-save ang ka­­­nilang relasyon ng batang al­­kalde na may dalawa ring anak sa una nitong nakarelas­yong dating TV executive na si Eloisa Matias.

Nasaktan umano ang da­lawang anak ni Mayor Hebert kay Tates na sina Athena (18) at Harvey (10) nang lumutang ang balita tungkol sa kanilang ama. Kung nagpatuloy umano ang pakikipag­relasyon ni Mayor Herbert sa mommy niya Jo­shua at Bimby ay sa Amerika na lamang daw sila mamimirmihan with their mom, Tates. Pero dahil mahal na mahal daw ni Mayor Herbert ang kanyang mga anak na ayaw niyang mapalayo sa kanya, pinutol nito ang namumuo nilang relasyon ni Kris.

Magpipinsan unahan sa pagpapakasal

Sino kaya sa magpipinsang Dingdong Dantes, Carlo Gonzales, at Art Solinap ang unang magpu-propose sa kanilang respective partners na sina Ma­rian Rivera, Luanne Dy, at Rochelle Pangilinan?

Kung si Carlo ang tatanungin, malamang daw na si Dingdong dahil bukod sa mas matagal na ang relasyon nila ni Marian, capable na umano si Ding­dong na magkaroon ng sariling pamilya. Pero sa ngayon, hindi pa nila napapag-usapan na magpi­pinsan ang tungkol sa proposal at kasal dahil pare-pa­reho nilang ini-enjoy ang kanilang respective relationships.

Kaye at Paul Jake noon pa may relasyon

Dati pala’y lumalabas na foursome ang (dating) magkasintahang Melissa Ricks at ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Paul Jake Castillo ganoon din ang (dating) magkasintahang Kaye Abad at Guji Lorenzana. But it turned out na magkakahiwalay sina Melissa at Paul Jake ganoon din naman sina Kaye Abad at dati nitong kasintahan na si Guji.

Ang ending?  Sina Kaye at Paul Jake ngayon.

vuukle comment

ANAK

ART SOLINAP

BIMBY

CARLO GONZALES

KAYE ABAD

KRIS

MAYOR HERBERT

PAUL JAKE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with