^

PSN Showbiz

Piolo hindi na puwedeng makipagkaibigan sa lalaki!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kawawang Piolo Pascual! Wala yata itong lalaki na makakaibigan na hindi bibigyan ng kulay. Poor guy, maging ang magiging friend niya dahil magkakaroon na agad ito ng masamang tatak sa tao.

Bakit kayo ganyan ha? Ibig sabihin ba, sa babae na lang puwedeng maging close si PJ para hindi n’yo malisyosohin? Tigilan  nga  kaya n’yo. Give Piolo a chance, tuloy nagbabalak na siyang mag-retire. And he is such a good person, a compassionate ar­tist. 

Coco ayaw ipangalandakan ang yaman

Kung si Daniel Padilla ay ipinagmamalaki ang kanyang sinasabing P40M house, gusto lang manahimik ni Coco Martin sa mga materyal na bagay na naipundar na niya. Tama na ‘yung naaabot na niya ang dati ay pinangarap lang niya. Pagyayamanin na lang nilang magpapamilya ‘yun. Ayaw niyang magmaramot, pero hiling niyang ibalato na lang sa kanya ‘yun.

Enzo hindi nahirapang makalimot

Mabilis naman palang na-forget ni  Enzo Pineda si Louise delos  Reyes.  Katunayan, may binabanggit na palagi itong bagong girl sa kanyang buhay.

Buti naman. Pinakamabilis daw mapakalimot sa isang may sugat sa puso ay ‘yung makahanap ng bagong mamahalin.

Eh si Louise kaya, natulungan na ni Aljur Abre­nica na makalimot?

Dapat lang dahil kung hindi, masasayang ang naging paghihiwalay naman nila ni Kylie Padilla.

 

                                              

 

ALJUR ABRE

AYAW

BAKIT

COCO MARTIN

DANIEL PADILLA

ENZO PINEDA

GIVE PIOLO

KAWAWANG PIOLO PASCUAL

KYLIE PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with