^

PSN Showbiz

Aktres na pabigat sa teleserye P250,000 daw ang TF tuwing magti-taping

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Grabe, P250,000 per taping day pala ang ta­lent fee ng isang veteran actress na ngayon ay pino-problema raw ng production ng seryeng kanyang nilalabasan.
Yes you read it right. Ganyan diumano kalaki ang TF ng veteran actress. Kaya kung naka-four taping days na siya, kumita na siya ng isang milyon.

Kahit mapuyat at magdamag pa siya, sulit na sulit pa rin pala sa suweldo niya.

Kaya lang ang siste, binibitin pa nga raw nito ang taping. At pag dumating pa raw, minsan nagtatatalak at nagda-dialogue na aalis siya agad dahil meron pa s­iyang ibang pupuntahan.

Kaya talaga raw naloloka ang mga katrabaho sa beteranang aktres at ikinu-compare sa isang dating actress na kinuha rin ng network pero naging sakit din nila ng ulo.

Wala rin daw basta-basta makalapit sa actress kasi nga afraid silang matarayan.

Kaya dasal ng mga katrabaho sana raw ay magbago ang actress bago tuluyang mag-decide ang management na paiksiin na lang ang kanilang serye na kakaumpisa pa lang.

Illegal wife ni komedyante nanganak na raw

Uy nakapanganak na pala ang girlfriend ng isang komedyante at nagsasama na diumano ang dalawa.

Reliable ang source, mismong katrabaho ni ko­medyante kaya mahirap itanggi ni komedyante.

Dating may asawa si komedyante pero ayun nga nakabuntis daw kaya tuluyan na raw nagkahiwalay ang dalawa.

Pero lihim na lihim pa raw ang relasyon nila at abang-abangan natin kung sisingaw ito dahil tiyak naman hindi magsasalita sa media ang source na nagkuwento tungkol sa panganganak ng illegal wife ni comedian.

Ilang piling kaibigan lang diumano ang nakakaalam sa kapalaran ng komedyante at illegal wife.

Stalker pinagbabantaan si Jasmine

Totoo kayang may stalker si Jasmine Curtis kaya hindi na itinuloy ang taping ng Jasmine? Over acting daw ang stalker na ito ng sister ni Anne Curtis kaya hindi na rin kinaya ng staff ng kanyang programa.

May kasama pa raw pananakot at pagbabanta kaya safety agad ang inisip ng buong production kaya itinigil na.

Walang alam ang source kung itutuloy pa o hindi na ang taping ng solo program ni Jasmine sa TV5.

Jackie Ejercito hindi napiga kay VM isko

Walang napiga ang entertainment press kay Ms. Jackie Ejercito na present sa press presentation ng 2014 Miss Manila kahapon na ginanap sa Manila Diamond Hotel.

Kahit anong pilit kay Ms. Jackie ng mga TV reporter at members ng print media tungkol sa mainit na issue sa kanila ni Manila Vice Mayor Isko Moreno, ayaw talaga niyang magsalita.

Eh lalong nagliyab ang isyu kahapon dahil Ms. Jackie Ejercito na lang ang intro sa kanya ng host ng press presentation kung saan siya tumatayong project director.

Pero nang itanong ‘yun kay Ms. Jackie hindi raw niya napansin na Ms. Ejercito na lang at nawala na ang apelyidong niyang Lopez.

Anyway, 31 naggagandahang Manileña ang maglalaban-laban sa 2014 Miss Manila title na magaganap ang pageant night sa June 24, 7:00 p.m. at the Philippine International Convention Center (PICC).

Ang beauty and brains search ay joint project between Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada and Viva Group of Companies big boss Vic del Rosario. Magiging bahagi ito ng celebration of this year’s Araw ng Maynila.

The proceeds of this year’s pageant will benefit the Dialysis Center of MARE Foundation, Inc., a non-profit institution headed by Chairperson and former Senator Dra. Luisa “Loi” Ejercito-Estrada.

Ginanap ang screening of candidates last May 24 at the Palacio de Maynila.

One million pesos worth of prizes await this year’s Miss Manila title holder, who will also serve as Manila’s ambassadress to the world.

MTRCB pinagpapaliwanag si kuya sa pami-mressure sa nude painting

Pinagpapaliwanag ni Chairman Toto Villareal ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang ABS-CBN dahil sa episodes ng Pinoy Big Brother All In matapos hamunin ni Big Brother ng nude painting session ang housemate nilang si Jayme Jalandoni na sa umpisa ay ayaw dahil sa religious beliefs and family. Pero napapayag din naman pero naghanap ng karamay.

Ayon sa MTRCB: “The pressure exerted upon the said housemates arguably constitutes moral and psychological violence upon them and may violate their dignity as human persons. The MTRCB thus invokes its 2012 Memorandum of Understan­ding with ABS-CBN and other networks for the positive and non-derogatory portrayal of women in television, in support of the Magna Carta of Women of 2009. Moreover, the conflict with religion and the incursion into otherwise harmonious family relations can also border on insensitivity toward the Filipino values of faith and family.” sabi  sa press statement ni Chairman Villareal.

ANNE CURTIS

KAYA

MISS MANILA

MS. JACKIE

MS. JACKIE EJERCITO

PERO

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with