^

PSN Showbiz

Tulong na, tabang na, wagi ng dalawang Tambuli awards

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinarangalan ng gold at silver award ang kampanyang Tulong na, Tabang na, Tayo na ng ABS-CBN para sa Advocacy category at Innovative and Inte­grated Media category sa ginanap na UA&P (Uni­versity of Asia and the Pacific) Asia-Pacific Tam­buli Awards 2014 kamakailan. 

Ang Tulong na, Tabang na, Tayo na ay ang malawakang kampanya ng ABS-CBN Corporation upang makalikom ng pondo para sa muling pagbangon ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

Bukod sa daan-daang milyong pisong ha­laga ng cash at in-kind donations, nakapag-or­ganisa ang ABS-CBN ng dalawang sold-out solidarity concerts sa Araneta Coliseum at naka­pagbenta ng mahigit sa isang milyong tulong T-shirts sa loob lamang ng isang buwan. 

Umabot na sa 3,636,475 indibidwal ang naa­butan ng relief goods ng Tulong na, Tabang na, Tayo na sa pamamagitan ng disaster emergency and rehabilitation arm nilang Sagip Kapamilya.

Layon ng Sagip Kapamilya na makapagpatayo ng 108 silid-aralan sa Basey, Samar at Dulag, Leyte at mamahagi ng 4,000 bangka sa nasabing mga lugar at maging sa mga kalapit bayan nitong Marabut at Sta. Rita.

Nagsimula ang UA&P Asia-Pacific Tambuli Awards noong 2007 upang kumilala sa mga malilikhaing integrated marketing communications campaign na nagtataguyod ng kabutihan sa lipunan. Ngayong taon ay umabot sa 361 entries mula sa Australia, Bangladesh, India, Japan, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam ang pinagpilian, ngunit 54 programa lamang nakakuha ng parangal.

 

ANG TULONG

ARANETA COLISEUM

ASIA AND THE PACIFIC

ASIA-PACIFIC TAM

INNOVATIVE AND INTE

P ASIA-PACIFIC TAMBULI AWARDS

SAGIP KAPAMILYA

TABANG

TAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with