^

PSN Showbiz

Lance gusto na uling maging busy

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Balik na muli  ang singer-actor na si Lance Ray­mundo sa kanyang normal na buhay matapos siyang sumailalim ng dalawang major facial reconstructive operation para maibalik sa dati ang kanyang nasirang mukha na nabagsakan ng 80 lbs. na barbell. 

Sa darating na June 14 (Sabado) ng mid­night ay mapapanood si Lance singing live with his brother Rannie Raymundo sa Celebrity Talks segment ng programang Walang Tulugan with the Master Showman sa GMA. Ito bale ang first live performance ni Lance matapos ang kanyang gym accident.

Ayon sa singer-actor, milagro ang nangyari sa kanya na siya’y buhay kaya lalong naging matibay ang kanyang pananalig sa Diyos.  Habang siya’y nagpapagaling, lalong naging matibay ang bonding nila ng kanyang mga magulang at nakatatandang kapatid na si Rannie na hindi lamang big brother ni Lance kundi best friend niya.

“We never fought kahit nung mga bata pa kami hanggang ngayon,” pagmamalaki ni Rannie.

“My parents and Rannie cried nung makita nila ang nangyari sa akin pero nakita nila sa akin ang pagiging strong. Madalas umiiyak ang mom ko pero ayaw niyang ipakita sa akin,” kuwento ni Lance. 

Ngayong naibalik na sa dati ang nadurog na mukha ni Lance, gusto niyang maging busy muli sa trabaho - singing, acting, and hosting.

Bea at Zanjoe may kakambal na suwerte ang relasyon

Sadyang napakasuwerte ni Bea Alonzo dahil sa sunud-sunod na magagandang blessings na dumarating sa kanya. 

Maganda ang takbo ng kanyang showbiz career at ganoon din naman ang kanyang love life.

Bea is back sa kanyang pinakabagong teleserye, ang Sana Bukas pa ang Kahapon na magsisimulang mapanood sa ere sa darating na June 16. 

Although matagal-tagal na rin ang relasyon nila ng nobyo niyang si Zanjoe Marudo, wala pa umano sa kanilang immediate plans ang pagpapakasal dahil pareho pa silang busy sa kanilang respecitve careers at gusto muna nilang i-enjoy nang husto ang kanilang relasyon bilang magnobyo.

Vic hindi puwedeng pakialaman ng mga anak

Matagal nang hiwalay ang estranged couple na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie na may kanya-kanyang buhay ngayon kaya irrelevant nang tanungin sila kung ano ang puwede nilang sabihin sa kanilang respective partners

Masaya si Vic sa piling ni Pauleen ngayon kaya walang puwedeng manghimasok kahit pa ang mga anak ni Vic na sina Danica at Oyo (kay Dina Bon­nevie), Vico (kay Coney Reyes), at si Paulina (kay Angela Luz). 

 

ANGELA LUZ

BEA

BEA ALONZO

CELEBRITY TALKS

CONEY REYES

DINA BON

KANYANG

RANNIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with