Echo at Kim gaya-gaya kina Maricar at Richard
Ibang-iba na talaga ang takbo ng buhay ngayon. Kung dati ay pinaka-dahilan ng dalawang bagong kasal ang pagkakaroon ng anak, parang hindi na ngayon. Kasusulat ko lang kamakailan lang na hindi pa handang magka-baby nina Maricar Reyes at Richard Poon, heto ang bagong kasal na sina JeÂricho Rosales at Kim Jones na eenjoyin din daw muna ang isa’t isa bago nila balakin na dagdagan ang kanilang pamilÂya.
Nasa kanilang delayed hoÂneymoon ang dalawa sa bansang Hapon. Nasa plano rin nila ang pagpunta sa Europa at Amerika. NaÂhuli ang alis ng dalawa dahil kinailangan pang taÂpusin ng aktor ang kanyang comÂmitment sa The Legal Wife na magtatapos na sa linggong ito. Nang matanong kung sa honeyÂmoon na nila sisimulan ang pagbuo ng kaÂnilang paÂmilya, humindi ang daÂlaÂwa at nagsabing ienjoyin muna nila ang isa’t isa.
Kasalang Richard at Sarah bonggang pang-ending
Mukhang mas malaking panahon ang gugugulin ng reality show ng pamilya Gutierrez sa pinaka-batang myemÂbro ng pamilya na si Baby Zion GutierÂrez, anak nina RiÂchard Gutierrez at Sarah Lahbati na kailan lamang inilabas at sa programa pa ng mga Gutierrez naganap.
May katwiran nga namang pahabain nila ang pagtatago sa bata dahil sa nasabing programa pala ito ilalantad. Kung pumatok man ang pilot show nila dahilan sa ginawang pag-amin nina Richard at SaÂrah sa kanilang anak, mas marami ang mag-aabang na masilayan ang bata sa ikalawang episode ng kanilang reality show. At habang nasa bata pa rin ang atensyon ng lahat ituluy-tuloy na nila, isama na nila ang pagbibinyag dito at ang proseso sa pamimili ng mga magni-ninong at ninang nito. That will probably cover a few episodes of the show. At magandang finale kung magagawa nilang ipakasal sina Richard at Sarah sa show.
Salamat…
Salamat nga pala sa Jed’s Island Resort sa ginawang pagtanggap sa Philippine Movie Press Club na dun ginanap ang kanilang taunang team-building/outing nung May 31 hanggang June 1. Sa rami nang gustong puÂmasok sa nasabing reÂsort hindi pinanghinaÂyaÂngan ng mga nasa likod ng pamoÂsong lugar sa BuÂlacan na kinakataÂwan ni Ms. Beng ang pagÂpapagamit sa PMPC ng kaÂnilang may kamahalang Aguila PriÂvate Pool.
Bukod sa walang humpay na kasiyahan, ang highlight ng team-building ay ang pagbibigay ng award sa mga nagwagi sa PMPC Writing Contest. Ang pagbibigay karangalan ay inialay sa yumaong chairman na si Ernie Pecho. At narito ang mga nagwagi:
Sa Column Writing (Filipino), wagi sina Oghie Ignacio (1st prize), Mercy LeÂjarÂde (2nd), Beth Gelena (3rd). Sa Feature Writing (Filipino), ang mga nanalo ay sina William Reyes (1st), Glen Sibonga (2nd), George Vail Kabristante (3rd).
Sa Column Writing (English), ang mga nagsipagwagi ay sina George Vail KaÂbristante (1st), William Reyes (2nd), Joey Sarmiento (3rd). Sa Feature Writing (English), ang nanalo ay sina Joey Sarmiento (1st), William Reyes (2nd), Eric Borromeo (3rd), at sa On- the-Spot Writing, nakuha ang premyo nina Joey Sarmiento (1st), Veronica Samio (2nd), Leony Garcia (3rd).
- Latest