^

PSN Showbiz

Movie nina Sarah at Coco pinipilahan hanggang Amerika, fans naghahabol sa title na movie queen

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinipilahan pala hanggang Amerika ang pelikula ni Sarah Geronimo (TepTep) and Coco Martin (Tonio) na Maybe This Time. At maraming Pinoy ang nag-a-upload ng kanilang photos na nakapila sila at manonood ng pelikula na nagsimulang ipalabas sa selected theaters sa Amerika and Canada last June 6.

Nilagyan daw ito ng subtitle na English para mas ma-appreciate ng mga manonood doon.

Lumampas na sa P100 million ang kita ng pelikula at hindi pa raw kasama riyan ang kita sa second week run. Palabas pa rin ito sa mga sinehan sa bansa kahit na malalaki ang nakasabay nito na Maleficent na pinagbibidahan ni Angelina Jolie and Fault in our Stars na patok na patok din kahit na malungkot ang kuwento na base sa libro ni John Green.

Siya nga pala, nag-aapela ang fans ni Sarah na sana raw ay bigyan din siya ng title na movie queen dahil deserving din siya sa nasabing title. “Naka-tatlong box office queen na siya sa Guillermo, tapos kumita pa itong last movie nila ni Coco,” emote ng isang grupo ng fans sa email.

Pinu-push ang title na movie queen sa kasalukuyan kay Bea Alonzo since mag-promote sila sa eereng Sana Bukas pa ang Kahapon.

Miguel Nagbago na

Simpatiko’t charming pa rin ang Starstruck Kids’ First Prince at GMA Artist Center talent na si Miguel Tanfelix. Pero ngayong fifteen years old na ang binatilyo, mas nagiging prominente na ang features ng mukha nito. At bukod dito, marami nang nagbago sa kanya.

 Matapos ang isang dekadang pagsali sa Starsrtuck Kids at pagganap ng minor roles sa ilang drama series, mas confident na Miguel on screen.

Patunay dito ang pagganap niya bilang Niño sa naturang family-oriented na drama series at lalo naman itong pinagtibay ng kaibigang si Bianca Umali.

“Ibang Miguel ‘yung nakatrabaho ko ngayon eh. Of course in a good way,” ayon kay Bianca. “Mas focused siya sa bawat eksena, at parang may pinaghuhugutan talaga.”

Bago pa ang Niño, matatandaang nagkatrabaho na sina Miguel at Bianca sa Paroa: Ang Kwento ni Mariposa at Mga Basang Sisiw.

“Nakaka-proud lang si Miguel, at the same time, I’m really happy na magkatrabaho ulit kami,” dagdag ni Bianca.

Aminado naman si Miguel na flattered siya tuwing napupuri ang kanyang pag-arte. Pero aniya, he’s taking it in stride. May kahirapan daw ang ginagampanan niyang role, at tinitignan niya ito bilang isang magandang challenge sa kanyang budding career.

“’I’m really blessed to have been given a break like this. Matagal din po akong naghintay na bumida sa isang drama series. Iniisip ko po noon, may perfect timing naman sa mga pangarap ko kaya tiyaga-tiyaga lang.

“Bonus pa po ‘yung magkasama kami ni Bianca sa Niño. Siyempre mas masaya, may long-time friend at familiar face. Kumbaga, at ease po ako lalo na kapag magkasama kami sa eksena,” dagdag pa ng binatilyo.

Isa ang Niño sa latest offerings ng GMA Telebabad. Isa itong family-oriented drama series tungkol sa isang lalaking may problema sa pag-iisip. Dito, makikilala at magiging kaibigan niya  ang incarnate ni Sto. Niño na kung tawagi’y si Tukayo na ginagampanan naman ng Kapuso child star na si David Remo. Magsisilbing inspirasyon sa isang komunidad si Niño, at patutunayan na walang imposible kung may matinding pananampa­lataya at pag-asa.

Para sa kauna-unahang pagbibida ni Miguel, humugot siya ng ins­pirasyon sa role niya noon bilang si Boyito sa GMA Sine Novela na Tinik sa Dibdib. Sumalang din siya sa series of workshops para mas lalong mapahusay ang kanyang pagganap.

“I always remind myself po to not take this opportunity for granted, kaya ganito na lang ‘yung effort ko. I am really thankful sa anumang opportunity na ibinibigay sa akin,” says Miguel.

Mas lalo pa raw ganado si Miguel na pagbutihin ang kanyang pag-arte dahil katrabaho niya sa Niño ang ilan sa mga beteranong actor tulad nina Gloria Romero, Dante Rivero, at Angelu de Leon.

Mapapanood ang pakikipagsapalaran ni Miguel bilang si Niño, gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, pagtapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

                                                                                 

 

AMERIKA AND CANADA

ANG KWENTO

ANGELINA JOLIE AND FAULT

BIANCA

MIGUEL

PLUSMN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with