^

PSN Showbiz

Dating holdaper, ibubuking ang diskarte sa pagnanakaw

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatalupan ni Julius Ba­bao ang iba’t ibang diskarte ng mga holdaper sa lan­sa­ngan ngayong Lunes (Hunyo 9) sa Bistado kung saan tampok ang nagbabagong-buhay at dating holdaper na si Alvin na ikukum­pisal ang kanilang mga istilo sa pambibiktima.

Haharap din sa kame­ra ang ginang na si Emily upang ibahagi ang nakapanlulumong karanasan at salo­obin niya sa pagka­matay ng asawa na matapos holdapin ay binaril pa sa ulo habang magkausap sila sa cell phone. 

Ipapakita rin sa episode ang tatlong video footage kung saan huling-huli sa akto ang mga pag-atake ng mga halang na holdaper.

Samantala, mas sinusubaybayan pa rin ng mas maraming manonood ang Bistado sa kabila ng paglulunsad ng kalabang network ng bago nitong katapat noong Mayo 26. Base sa datos ng Kantar Media, wagi ang Bistado sa nasabing araw kung saan nakapagtala ito ng national TV rating na 11.8%.

vuukle comment

ALVIN

BISTADO

HAHARAP

HUNYO

IPAPAKITA

JULIUS BA

KANTAR MEDIA

SAMANTALA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with