Daniel Padilla look-alike at Yolanda survivor sasabak sa The Voice kids
MANILA, Philippines - Isa na namang batch ng young artists ang magpapasiklab sa top-rating at Twitter-trending na The Voice Kids Blind Auditions ngayong weekend (Hunyo 7 at 8), kabilang na ang isang Daniel Padilla look-alike na makakakulitan ang tatlong coaches.
Susubukan din ng isang batang Yolanda survivor na tuparin ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng pagkanta na dala-dala ang kwentong puno ng inspirasyon at pagbangon ng kanyang pamilyang nasalanta ng bagyo.
Bibida rin sa pagpapatuloy ng Blind Auditions ang isang batang nadiskubre ng sikat na songwriter na si Vehnee Saturno, isang young artist na kukuha ng selfie kasama ang tatlong coaches, ang isang power vocalist na makakakuha ng standing ovation mula sa isa sa coaches, at si Juan Karlos, na ang video ng performance ng kantang Grow Old With You ay pumalo na ng 1.7 million views sa YouTube.
Sino-sino sa kanila ang dadagdag sa teams nina coach SaÂrah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga?
Samantala, may pagkakataon ding magpakitang-gilas ang adult artists na gustong makapasok sa The Voice of the Philippines Season 2 sa huling Manila auditions nito na gaganapin sa Market! Market! sa Taguig City mula 9:00 AM hanggang 3:00 p.m.
Magsisimula ang registration sa ganap na 8:00 a.m. Makaka-jamming naman ng auditionees ang Season 1 artists na sina Klarisse De Guzman, Janice Javier, Paolo Onesa, at Myk Perez sa open mic session na gaganapin ng 5:00 p.m.
- Latest