Taping ni Jasmine pinatigil muna ng TV5?!
Nakatanggap kami ng balitang na-pack-up ang taping ng series ni Jasmine Curtis-Smith sa TV5 na Jasmine last Thursday at si director Mark Meily daw mismo ang nagpa-pack-up. Ang sabi, ipinatawag daw ang director ng management ng network for an emergency meeting, kung bakit, hindi pa alam habang nagde-deadline kami.
Dahil na-pack-up ang taping, walang episode na ipalalabas sa Sunday at dahil dito, balitang pansamantalang mahihinto ang airing ng Jasmine. Madi-disappoint nito si Jasmine dahil pilot episode pa lang ang naipalalabas tapos tigil agad.
Wala pang official announcement ang TV5 kung tuluyang ititigil ang airing ng Jasmine o ibabalik din sa June 15. Pero sana ibalik din dahil hindi lang naman si Jasmine ang nabibigyan ng trabaho ng network, pati ang iba nilang talents na kasama sa series gaya ni Alwyn Uytingco at mga kinukuha nilang guest.
Young showbiz couple inireklamo ang sobrang PDA
May pagka-OA o Over Acting ang tsikang dahil lang sa pagpi-PDA (public display of affection) ng isang young showbiz couple (YSC), kinagalitan ang aktres ng kanyang close relative at rason para magalit din ang kamag-anak na ‘yun sa BF ng aktres.
Nakita ring nagpi-PDA ang YSC ng isang kaibigan na nakasabay nilang manood ng sine sa Greenbelt. Nang tanungin namin ang friend namin kung paano mag-PDA ang dalawa, nakaakbay daw ang aktor sa aktres buong oras na nasa loob sila ng sinehan at hanggang paglabas.
Hindi naman sobrang PDA ‘yung inakbayan ng aktor ang aktres dahil madalas nating makita ‘yun sa mga couple kahit naglalakad lang sa mall. Kung may kissing-kissing mang ginawa ang YSC, hindi naman siguro grabe dahil hindi na masyadong madilim sa mga sinehan ngayon at kilala ang dalawa at alam nila ‘yun.
Pero baka may ibang pagpi-PDA na ginagawa ang dalawa sa ibang lugar at ‘yun ang nakarating sa relatives ng aktres kaya sila sobrang nagalit sa YSC. In fairness, kahit laging magkasama, ngayon lang nai-isyuhang PDA couple ang dalawa.
Miguel kailangan ng stylist
Mukhang tama ang pagpu-push ng GMA 7 kay Miguel Tanfelix at pagbi-build up sa 15-year-old young actor dahil marami ang kinikilig sa kanyang fans. Pati nga press people, naguwapuhan sa teen actor at naalala namin pati si Joey de Leon, “ang gwapo†ang naging reaction nang ma-interbyu si Miguel sa Startalk sa promo nito ng Niño.
May mga unsolicited advise ang fans sa network na sana pakinggan ng mga bossing ng GMA 7 para mas lumaking artista pa si Miguel. Sana, ikuha ng stylist si Miguel na mag-aayos sa kanya para mas may dating ang porma nito. Mas maganda rin kung si Aga Muhlach ang gagawing peg ng Ch. 7 sa pagbi-build up sa teen actor.
Sabi pa ng followers ni Miguel, sana hindi muna mentally challenged role gaya sa Niño muna ang ibiÂnigay dito at nag-capitalize muna sa good looks nito. May mga next projects pa naman si Miguel, doon na lang ito magpaguwapo.
Jake nag-sorry sa malaking kasalanan kay Bea
Magkabati na siguÂro sina Jake Vargas at Bea BiÂnene dahil naÂkunan sila ng picture na magkasama sa presscon ng Yahoo! CeÂlebrity Awards na ikinaÂtuwa ng kanilang fans. Mula nang magkatampuhan, wala silang pino-post na picture na magkasama.
Nag-post din ng picture si Jake ng sister ni Bea na si Benice. Ang mas ikinatuwa ng JaBea fans ay ang pagtawag na “Mama†ni Jake sa mom ni Bea sa sorry post ng aktor na may kasamang picture ng boquet ng red roses.
Post ni Jake sa Instagram (IG): “Sorry sa lahat ng nagawa ko. Pangako hindi ko na sisirain ito at hindi na kita iiwan pangako. Sorry din Ma, mahal na mahal ko po talaga ang anak n’yo. Hindi ko kaya kapag wala siya sa tabi ko.â€
O ‘di ba naman ang sweet ni Jake at ipinakita lang kung gaano niya kamahal si Bea. Curious lang kami, ano kaya ang kasalanang ginawa ng aktor para magtampo sa kanya si Bea at siya ang mas apektado. Nang kumanta nga siya sa Walang Tulugan last Sunday, malungkot ito, lutang at nakalimutan pa ang lyrics ng song.
- Latest