^

PSN Showbiz

Bea Alonzo pressured sa papalitang 'The Legal Wife'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa success ng teleseryeng “The Legal Wife” nina Angel Locsin, Maja Salvador at Jericho Rosales, aminado ang aktres na si Bea Alonzo na may pressure sa kanya na ang kanyang palabas ang papalapit.

“Nape-pressure ako. Pero ginawa namin ang best naming lahat [para sa show], bahala na si Lord. So sana, sana [mag-rate],” sabi ni Bea na pagbibidahan ang “Sana Bukas Pa Ang Kahapon.”

Dalawang role ang gagampanan ni Bea ang isa ay bilang si Rose  na isang mabait na engosyante na itinaboy ng kanyang magulang matapos pakasalan ang isang chocolatier na si Patrick na gagampanan ni Paulo Avelino.

Siya rin ang gaganap sa role na Emmanuel na isa namang abogado na isinakripisyo ang kanyang oras sa pamilya para sa kanyang career.

Samantala, masaya rin si Bea na makakasama niya ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

“Noong unang taping with her nagpa-picture po ako kaagad sa kanya kasi hindi ko mapaniwalaang kasama ko siya,” kuwento niya.

“I'm very, very happy na nangyari 'to. Nagpapasalamat ako sa Dreamscape na pinagkatiwalaan ako.”

Magsisimula ang "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" sa  Hunyo 16 sa primetime ng ABS-CBN.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BEA

BEA ALONZO

JERICHO ROSALES

LEGAL WIFE

LORD. SO

MAJA SALVADOR

PAULO AVELINO

SANA BUKAS PA ANG KAHAPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with