^

PSN Showbiz

Deeper ni Julie Anne, nag-no. 1 agad sa iTunes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na lumilikha ng marka ang GMA Records sa Philippine music industry sa pama­magitan ng mga hit album releases nito na bibihag sa mga puso ng mga Pilipino.

Ang self-titled debut album ng Kapuso actress/recording artist na si Julie Anne San Jose ay tumanggap kamakailan ng 9x Platinum Record award dahil sa pinagsamang digital at CD sales nito na humigit sa 135,000 units. Ang Deluxe Edition nito ay maaari nang i-download sa iTunes.

Ang kanyang pinakabagong album na Deeper na nasa iTunes na rin simula noong Hunyo 1 ay kaagad nasungkit ang No. 1 spot sa iTunes Top Albums Chart sa araw na iyon. Ito ay naglalaman ng sampung all-OPM songs, kung saan anim sa mga ito ay isinulat mismo ni Julie Anne, kasama na rito ang Right Where You Belong, ang love theme ng pinakabagong primetime Koreanovela ng GMA Network na The Master’s Sun. Mabibili na ang CD format nito sa katapusan ng Hunyo.

Pagkatapos ng matagumpay na phenomenal primetime series na My Husband’s Lover na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, inilabas na ng GMA Records ang kanilang first-ever album na TomDen na talaga namang naging isang certified hit.

Nakuha rin nina Dennis at Tom ang Platinum Record award dahil sa mataas na pinagsamang digital at CD sales ng album nila na humigit sa 15,000 units. Ang album na ito ay binubuo ng mga hit na awiting Forever, Ikaw Ang Sagot, Kailan Man, at ang bersyon nila ng One More Try.

Samantala, ang pinakabagong album ng Kapuso singer/actress na si Jennylyn Mercado na Ne­ver Alone ay magmamarka sa kanyang pagbabalik sa GMA Records at sa kanyang 10th anniversary sa entertainment industry. Ito ay inaasahang lalabas sa Hulyo.

Kamakailan ay inilunsad na niya ang kanyang pinakabagong single na Basta’t Nandito Ka. Ito ay isinulat ni Vehnee Saturno, ang kompositor ng unang single ni Jennylyn na Kahit Sandali na nagbigay sa kanya ng Gold Record award para sa kauna-unahang album niya na Living the Dream noong 2004.

Ang Kapuso artist naman na si Kylie Padilla ay handa nang ibahagi sa mga Pilipino ang kanyang pagmamahal sa musika.

Kasunod ng matagumpay niyang primetime series na Adarna, inilunsad na rin ni Kylie ang kanyang single na Gitara na kasama sa kanyang debut album na Seasons. Ito ay maaari nang i-download sa iTunes, habang ang CD format nito ay lalabas sa Hunyo 29.

vuukle comment

ALBUM

ANG DELUXE EDITION

ANG KAPUSO

DENNIS TRILLO

GOLD RECORD

HUNYO

IKAW ANG SAGOT

PLATINUM RECORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with