^

PSN Showbiz

Dyowa nag-walkout Jackie Rice nag-all out sa paghuhubad

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sinorpresa ni Judy Ann Santos si Ryan Agoncillo sa Father’s Day episode taping ng Picture! Picture! nu’ng nakaraang Lunes ng hapon.

Kasama ni Juday ang anak nilang sina Yohan at si Lucho na ikinatuwa siyempre ni Ryan.

Sabi ng TV host/actor, lagi naman daw talaga siyang sinosorpresa ng kanyang asawa. Kaya malamang na sa Father’s Day mismo ay may sorpresa na naman si Judy Ann sa kanya.

Dapat ay iyun na ang last taping day ng Picture! Picture!, pero mukhang mai-extend pa ito dahil sa magandang rating nang inilipat tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

PAK: Tipid pa rin ang sagot ni Andre Paras nang tinanong ito tungkol sa nararamdaman niya sa pinagdadaanan ngayon ng kapatid niyang si Caleigh na may sakit na cancer.

Mas gusto raw niyang sa pamilya na lamang iyun at hindi na kailangang pag-usapan pa sa publiko.

“Whatever happens, it’s between us na lang and my mom. It’s not the end of the world. That’s all I can share po,” sagot ni Andre sa press launch ng bagong drama series niyang The Half Sisters.

Ipinagdarasal naman daw niya ang mabilis na paggaling ni Caleigh.

BOOM: Totoo kayang nag-walkout ang non-showbiz boyfriend ni Jackie Rice nang kinunan ang napaka-daring na love scene na ginawa sa pelikula niyang Kamkam?

Sobrang mainit daw ang love scene nito kay Kirby Zamora. Tamang-tama naman na nandun ang boyfriend ng Kapuso young actress at okay naman sa kanya kahit nandun daw ang boyfriend niya. Pero nung nalaman daw na mainit at daring ang eksenang kukunan, umalis daw ito.

Hindi naman daw nag-aalala si Jackie dahil mas naka-focus daw siya sa kukunang eksena. Dito na raw kasi bumigay si Jackie at nagpaka-all out sa paghuhubad. Ayaw na lang muna magsalita ni Jackie tungkol diyan dahil baka magamit pa raw iyun sa promo ng naturang pelikula.

ANDRE PARAS

CALEIGH

DAW

HALF SISTERS

JACKIE RICE

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KIRBY ZAMORA

ORAS WEEKEND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with