Zsa Zsa at 18 anak ni Dolphy pantay-pantay ang naging mana
Sa Sabado ay magsisimula na sa Kapamilya network ang teleseryeng Ipaglaban Mo. Isa sa mga magiging direktor ng nasabing proyekto si Eric Quizon. Itinuturing daw ngayon ng actor-director na isang malaking hamon ang kanyang gagawin dahil ibang-iba ang konsepto ng programa sa kanyang mga nagawa noon.
“Ang challenge talaga nito is totoong mga kaso. Mga real-life stories ang ginagawa natin, so siyempre minsan may pagka-sensitive ang mga topic. So kailangan lang talagang maging metikuloso. Alagaan ang bawat eksena kasi mahirap magkamali, mahirap mabatikos at mahirap masabihan na mali ang ginawa,†pagbabahagi ni Eric.
Samantala, pagdating naman daw sa usaping mana mula sa amang si Dolphy ay sinisiguro ni Eric na mayroong makukuha ang lahat ng kanyang mga kapatid at maging si Zsa Zsa Padilla.
“Definitely meron. Kaya kami 19, kasi ‘yan ang binilin ng daddy ko, na gusto niya pantay-pantay. Kasi 18 lang kaming magkakapatid, kumbaga parang understood na ‘yun, na Zsa Zsa will always be part of our family,†paliwanag ni Eric.
Jessy parang kilalang-kilala agad ang colombian student na sumunod ng Korea
Kababalik pa lamang ni Jessy Mendiola sa bansa mula sa kanyang bakasyon sa Korea.
“What I love about Korea is they preserve their culture and at the same time they are modern, the people and the place. This is my second trip there, we visited Jeju Island. Maganda talagang pumunta sa Jeju, maraming museums, places na pwedeng puntahan,†nakangiting pahayag ni Jessy. Nangangarap ang aktres na muling makabalik sa Seoul upang makagawa naman ng isang proyekto.
“Actually iniisip nga nila na parang mag-collaborate ang Korea at saka ang Philippines sa isang show or project. Sobrang honored naman ako at sobrang blessed kapag pinili nila ako. Tapos may isang Korean actor or actress ang makakasama ko, ‘di ba ang saya? Nakakatuwa din kasi out of nowhere, napili nila akong isang ambassadress. Nagulat din ako bakit ako pinili. Kapag pumupunta ako ng Korea masaya lang. Kahit 2 in the morning or lampas na ng midnight pwede kang maglakad-lakad lang. Lagi akong lumalabas, bumibili ng kung anu-ano,†natatawang kwento ng dalaga. Isang espesyal na lalaki raw ang sorpresang bumisita kay Jessy sa Korea. “Siya si Sebastian Lopez, friend ko. Sinurprise niya ako sa Jeju. He is Colombian. Dini-date? Hindi, masaya kasi siyang kasama. Oo napapasaya niya ako,†pagtatapat ni Jessy.
Kamakailan lamang daw nagkakilala sina Jessy at Sebastian sa Boracay kaya hindi pa rin daw masabi ng aktres kung nililigawan na siya ng binata. “But it feels like I’ve known him for a while kasi he’s very open. Sabi ko bumalik siya ng Philippines, sabi ko kilalanin niya lahat ng tao dito. Ayun, mukha namang babalik siya end of the year,†pagtatapos ng aktres.
Bumalik na raw sa Colombia ang 19 years old na binata upang magpatuloy ng pag-aaral. Reports from James C. Cantos
- Latest