^

PSN Showbiz

'Ayokong mag-taping ng buntis' – Maricar Reyes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matatagalan pa bago magbuntis ang aktres na si Maricar Reyes kahit na nakaplano na dapat ito.

Sinabi ni Maricar na matapos nilang magpakasala ni Richard Poon nitong nakaraang taon ay usapan nila ang pagkakaroon ng baby, pero hindi pa mangyayari ito dahil sa kanyang trabaho.

Busy ang aktres sa kanyang pinakabagong primetime drama series na “Sana Bukas Pa Ang Kahapon,” kung saan gagampanan niya ang role na Laura na anak ni Dina Bonevie.

“Ayokong mag-taping na buntis,” sabi ni Maricar na makakasama si Paulo Avelino sa teleseryeng magsisimulang umere sa Lunes.

Aniya kung magbubuntis siya ay nais niyang tutukan ito at magpahinga muna sa showbiz.

“I want to focus sa baby ko,” dagdag ni Maricar.

Sa ngayon ay masaya pa rin naman silang mag-asawa na tinitiyak magkita at mag-usap araw-araw sa kabila ng kanilang pagka-busy sa buhay.

“Actually the best part is when I go home around three or four in the morning, he wakes up 5 AM and nagbe-breakfast kami together,” kuwento ni Maricar.

“Siyempre nakakabawas ng time together (ang taping), but he’s very understanding.”
 

ANIYA

AYOKONG

DINA BONEVIE

MARICAR

MARICAR REYES

MATATAGALAN

PAULO AVELINO

RICHARD POON

SANA BUKAS PA ANG KAHAPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with