^

PSN Showbiz

Final line-up para sa Cinema One originals festival inanunsiyo na, bibigyan ng P2M bawat isa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inanunsiyo na ng Cinema One ang kanilang final line-up para sa darating na Cinema One Film Festival.

Sampung pelikula ang kasama sa darating na Cinema One Ori­ginals Festival, at ngayong ika-20 anibersaryo ng Cinema One ay mag­bibigay ito ng budget na P2-milyon para sa produksyon ng mga pe­likulang ito na napili mula sa napakaraming entry simula nang magbukas ang submisyon nito sa pagtatapos ng festival ng nakaraang taon.

Ang sampung pelikulang napili ay nilikha ng mga direktor na sina Jay Abello, Nash Ang, Kanakan Balintagos, Sigrid Andrea Bernardo, Eduardo Dayao, Alec Figuracion, Antoinette Jadaone, Malay Javier, Paolo O’Hara, at Remton Siega Zuasola.

Ang pelikulang Red ni Jay Abello ay isang action film tungkol sa chismis na nagsimula sa matinding gulo sa sirkulasyon ng mga ilegal na droga sa Bacolod. Si Red ay isang kilalang fixer sa underground scene sa Visayas na tinawag upang ayusin ang sitwasyon - pero dahil sa kumplikasyon ay nadala siya sa lugar na mapanganib kung saan ang sarili niyang buhay ay nalagay sa peligro. 

Ang Abel/Cain ni Kanakan Balintagos ay isang interpretasyon ng dula ni Auraeus Solito na Esprit de Corps na lumabas noong 1980’s. Kwento ito ng mga nagaganap sa mundo ng ROTC. Ang pagkakaroon ng seduction sa pagitan ng dalawang cadet at ang kanilang balak na ipatumba ang isang lider na si Major Marcus. 

Ang Lorna ni Sigrid Andrea Bernardo ay isang mid-life comedy drama tungkol kay Lorna, isang babaeng nasa edad na 60 na. Sa pelikula ay nakahanap si Lorna ng isang online lover at dating kasintahang maaaring makapagbago ng kanyang buhay - pero sa kanyang edad, maging mahigpit na kalaban kaya ang panahon sa tsansang magkaroon muli ng pag-ibig?

Sa pelikula ni Eduardo Dayao na Violator, na isang psycho-horror na magaganap sa papalapit na apocalypse, isang misteryosong tao sa isang presinto ang makikilala ng tatlong pulis. Dahil dito ay mapipilitan silang harapin ang mas malalim na sikretong nakatago sa pagitan nila.

Ang Bitukang Manok ni Alec Figuracion ay isang horror na nasa tradisyon ng Twilight Zone, kung saan apat na kotse ang na-stranded sa EME road papuntang Bicol. Isang grupo ng mga manlalakbay ang nakapansin na paikot-ikot lamang sila at nag­desisyong magtulungan para makahanap ng daan palabas, pero unti-unti nilang madidiskubre na ibang klaseng mga puwersa ang kanilang hinaharap.

Sa That Thing Called Tadhana ni Antoinette Jadaone na isang romance-comedy na mala-Before Sunrise, tinatalakay kung saan pumupunta ang mga broken hearted. Kwento ito ng isang babaeng nahihirapang sumunod sa baggage requirements na tutulungan ng isang lalaking makikilala niya. Sa proseso ng pag-aayos sa kanilang mga puso, mabubuo ang isang magandang pagkakaibigan na magdadala sa kanila sa Sagada.

Ang Di Sila Tatanda na isang sci-fi teen flick ni Malay Javier ay tungkol sa mga U.F.O. sighting sa Pangasinan noong 1990’s, kung saan isang kumplikadong love trapezoid ang magaganap sa pagitan ng tatlong magkakaibigan at isang alien. Sa pelikula, ipakikita ng isang alien kung paano mai-in-love ang tao dahil sa kanyang layuning makapag-mate sa isang babae na may pagmamahal para sa dalawa niyang kaibigan.

Ang The Housekeepers ni Paolo O’Hara ay isang comedy tungkol sa isang couple na binilinang alagaan ang isang batang kinidnap. Ngunit nang inutusan ng mga kidnapper na patayin ang bata, napili na lamang nilang tumakas kasama ang bata at palakihin siya bilang sarili nilang anak.

Ang Soap O Pera ni Remton Siega Zuasola ay tungkol sa isang modus na hindi nagawa ng tama, kung saan yayayain ng isang couple ang mga foreigner na bisitahin ang Pilipinas para magpakasal para makuha ang kanilang pera. Ito ay isang comic drama tungkol sa local soap opera kung saan ang couple at ang kanilang biktimang foreigner ay magiging malapit na magkakasama para suportahan ang anak na may sakit na tumatakas sa kanyang kalagayan sa pamamagitan ng panonood kay Ramini, ang kanyang paboritong hero sa telebisyon.

 

ALEC FIGURACION

ANTOINETTE JADAONE

CINEMA ONE

EDUARDO DAYAO

ISANG

JAY ABELLO

KANAKAN BALINTAGOS

MALAY JAVIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with