Ogie talent manager na rin!
Maagang dumating sa Toki Japanese Restaurant sa BoniÂfacio Global City last Tuesday evening ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid for an early dinner dahil paborito nila sa Toki ang Wagyu beef steak na siya nilang dinarayo sa nasabing kainan. Kailangan nilang makauwi kaagad to be with their two-year-old son na si Nate na at an early age ay nagpapakita na ng pagka-bibo at pagiging showbiz. Mahilig kumanta at sumayaw si Nate.
Ogie and Regine are hands-on parents to Nate kahit busy sila pareho sa kanilang respective career.
Naibalita rin sa amin ni Ogie na nag-put-up siya ng talent management company, ang A-Team (Talents, Entertainers and Artists Management) kung saan consultant ang manager ni Ogie na si Leo Dominguez.
Bukod sa pagiging singer, composer, performer at comedian, may iba’t ibang business na ring pinasok si Ogie at kasama na rito ang restaurant business.
Ricky sabay-sabay ang dinidirek na indie
Kahit mas madalas ang kanyang pagdidirek ng mga teleserye sa bakuran ng GMA, hindi kinalilimutan ni Ricky Davao ang kanyang passion bilang actor. Katunayan, kung hindi magkakaroon ng bulilyaso at matuloy lahat, apat na pelikula ang kanyang kalahok sa Cinemalaya Film Festival, ang Mariquina, Separados, Dayang Aso, at The Janitor na tinatampukan din nina Derek Ramsay, Dennis Trillo, at Richard Gomez.
Hindi pa nagsisimula ang taping ng bago niyang programang ididirek sa bakuran ng GMA kaya may panahon siyang harapin ang kanyang pagiging aktor.
Nag-i-enjoy si Ricky sa pagiging isang director pero iba rin ang kanyang passion pagdating sa acting dahil dito siya nagsimula at nakilala ng publiko.
Marian at Jennylyn nauna na, Max mamamaalam na rin!
Tatlong programa ng GMA ang magkakasunod na nagtapos at magtatapos. Nauna na rito ang Carmela ni Marian Rivera na nagtapos sa ere last May 26. Sumunod naman dito ang Rhodora X nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, at Yasmien Kurdi na nagtapos naman last Frirday, May 30. Susunod namang magpapaalam sa ere ay ang afternoon TV series na Inamorata na tinatampukan nina Max Collins at Luis Alandy.
Patrick at Ara ayaw pa ring pakasal
Nagka-miscarriage ang singer-actress-businesswoman na si Ara Mina late last year sa magiging anak sana nila ng boyfriend na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. Dahil dito, pinagpapahinga at pinag-iingat siya nang husto ng kanyang doktor ngayong muli siyang nagdadalang-tao at magti-three months na ang kanyang ipinagbubuntis.
Kahit magkaka-baby na sina Mayor Patrick at Ara, isinasantabi muna nila ang kanilang planong pagpapakasal dahil mas gusto muna nilang mag-focus sa kanilang magiging unang supling.
Si Mayor Patrick ay ex-boyfriend ni Aiko Melendez at hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay dahil nauwi pa ito sa demandahan. Si Ara naman ay ex-girlfriend ng ex-husband ni Aiko na si Jomari Yllana na naging kasintahan din noon ng ex-wife ni Martin Nievera na si Pops Fernandez.
Luis labis ang pagdadalamhati sa pumanaw na lola
Tulad nina Richard Gomez at Coco Martin, lola’s boy din ang aktor na si Luis Alandy, kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkalungkot nang ito’y sumakabilang-buhay nung nakaraang May 28 sa edad na 90 na labas-masok ng pagamutan dahil na rin sa kanyang katandaan.
Ang mga labi ng lola ni Luis na si Gng. Erlinda P. Alandy ay nakaburol sa Haven of Angel sa Sumulong Highway, Antipolo City.
Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya Alandy.
- Latest