^

PSN Showbiz

Maraming nanay abala sa pag-aalaga sa mga anak para maging Daniel Padilla

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung dati ay napakaraming magulang ang itinutulak ang kanilang mga anak sa pag-aartista, hindi rin ito iba sa mga batang artista. Bukod sa sikat sila ay maari pa silang kumita na higit sa kinikita ng maraming mas matanda pa sa kanila.

Sa pagpapakita ni Daniel Padilla ng kanyang eight-bedroom house na sinasabing nagkakaha­la­ga ng P40M, mas lalong nabigyan ng inspiras­yon ang maraming magulang na ihanda sa pag-aar­tista ang kanilang mga anak. Para magkaro’n din ng kapalaran na katulad ng 19-taong gulang na si Daniel, na ilang taon pa lamang na nakikilala bilang artista pero nagawa nang maipagpatayo ng dream ­house  ang kanyang ina. Nabigyan din nito ng magandang tirahan silang magkakapatid! Bago ito ay nagawa na ring bilhin ni Daniel ang kanyang dream car. Kung ito ay hindi isang napakagandang incentive para sundan ng maraming kabataan ang yapak niya sa pag-aartista, ewan ko kung ano pa ang makakukumbinse sa kanila.

Bagaman at hindi lahat ng kabataan ay naaabot ang tagumpay ng isa sa mga produkto ng isang pa­milyang showbiz, isang malaking pride na si Daniel ng kanyang angkan, lalo na kay Robin Padilla, na inaari na siyang may pinakamagandang naabot  sa mga Padilla. Ikinagagalak din ng hanggang ngayon ay sikat pa ring aktor ang effort ng kanyang pamangkin para mapalawak ang kanilang lahi sa mundo ng pag-aartista.

Ang ina mismo ni Daniel na si Karla Estrada ang nagdisenyo ng bagong bahay nila na may te­mang Mediterranean at matatagpuan sa isa sa ma­­gandang lugar sa Quezon City. Sininop nito ang kita ng kanyang anak sa loob ng tatlong taon, para maipagawa ang kanilang dream house. Hindi mo masisi kung iniyakan man niya ang pagpapabasbas ng kanilang bahay at ang paglilipat nila rito. With the house done at dahil meron na ring dream car ang kanyang anak susunod na gagawin niya ang mag-ipon para sa kinabukasan nilang pamilya, lalo na ni Daniel na siyang dahilan ng pagkakaroon nila ng magandang buhay ngayon.

Vhong ayaw gumanti sa lola ni Deniece

Nakikisimpatiya naman ako sa pinagdadaanan ni Vhong Navarro sa pagharap sa isa pang kaso ng rape na isinampa laban sa kanya. At the same time ay bumibilib din ako sa pasensya na ipinamamalas niya dahil never niyang pinatulan ang pangha-harass na inaabot niya hindi lamang sa mga nagsasabing biktima niya kundi maging ng lola na nakakulong nang si Deniece Cornejo. Kung nu’ng una silang magharap ay nagsuot ito ng t-shirt na may mga letrang nagpapamalas ng kanyang damdamin, suot pa rin niya ang nasabing t-shirt nitong nakaraang hearing nila. Na kung saan ay binato si Vhong ng salamin sa mata ni Roxanne Cabañero. Sabi ng maraming abogado na may karapatan ang sinuman na magpamalas ng kanilang damdamin  sa inakusahan nila, pero ang pananakit ay maaring maging kaso rin laban sa kanila kung idedemanda sila ng komedyante na hanggang sa sinusulat ito ay wala pang reaksyon sa pangha-harass at pananakit na natanggap niya sa huling hearing ng third rape case niya.

Ogie malabo na uling makasama si Manilyn

Sayang at nasa kabilang istasyon na si Ogie Alcasid kundi ay baka nakasama ito sa bagong sitcom ng GMA, ang My BFF na nagtatampok kina Manilyn Reynes at Janno Gibbs. Na-link ang dalawang ito nung kabataan nila kaya naniniwala ang mga taga-Kapuso Network na bukod sa may mga tagasubaybay na sila ay narun pa rin ang chemistry nila na nagtaguyod sa kanila sa maraming projects noon. Naging love triangle rin sila nina Ogie kaya hindi maiwasang manghinayang ng marami na sana ay mas gumanda pa ang cast ng sitcom kung andun din si Ogie.

Sa hapon mapapanood ang My BFF na kasama rin sa cast ang mga child stars na sina Jillian Ward at Mona Louise Ray.

Hindi nakapasok sa Eat Bulaga, mga lola sa sagala ibinaling ang oras!

Gusto kong magpasalamat sa naging tagumpay ng santacruzan na ginanap sa Barangay Amihan sa Project 3 QC, na tinampukan ng mga senior citizens ng nasabing lugar. Nang hindi sila magtagumpay na makakuha ng passes para makapanood ng Eat Bulaga, sa pagdaraos ng isang santacruzan ibinuhos ng mga  elderly citizen ng aming lugar ang kanilang panahon. Sa halip na mga kabataan ang kunin ni­lang mga sagala, sila na mismo ang nagsilbing rey­­na sa isang tradisyunal na pagdiriwang ng mga Ka­toliko na ginaganap tuwing buwan ng Mayo.

Nagpapasalamat ako kay Kapitan Bong sa pa­­giging matagumpay ng santacruzan at sa mga ka­samahan niya na sina Bebot, Nanette, Norma, Gloria, Mar, Pete, Ruben, at Franz.

BARANGAY AMIHAN

EAT BULAGA

KANYANG

NIYA

OGIE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with