Vic hindi mapakasalan si Pauleen dahil sa mga anak
TV host-comedian-producer Vic Sotto is a good father and provider sa kanyang mga anak. Kahit hiwalay siya sa mga ina ng apat niyang anak, nanatili siyang kaibigan sa mga ito. Vic has two children sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie, sina DaÂnica at Oyo, isa naman ang anak niya kay Coney Reyes, si Vico at isa rin kay Angela Luz na si Pauline. Magkaka-close lahat ang apat na anak ni Vic.
Si Pauleen Luna ang bagong karelasyon ngaÂyon ni Vic after Pia Guanio na may sariling pamilya na rin ngayon.
Bukod kay Pauleen, sa kanyang apat na anak at mga apo (kina Danica at Oyo), nanatiling haligi ang TV host-comedian.
Melissa hindi na makapag-bida dahil sa katabaan
Naging short-lived ang relasyon nina Melissa Ricks at PBB graduate na si Paul Jake Castillo who is now into a relationship with Kaye Abad na ang huÂing nobyo ay ang singer-actor na si Guji Lorenzana.
Speaking of Melissa, tila napag-iwanan na ito nang husto ng kanyang mga kapaÂnabayan sa showbiz dahil nagiging pabaya rin siya sa kanyang sarili at hinayaang lumobo ang katawan.
Hindi man nawawalan ng proyekto si Melissa, hindi na siya makakuha ng lead role kundi pawang support roles na lamang ang naibibigay sa kanya.
Melissa is pretty and talented. Pero dapat din niyang pangalagaan ang kanyang sarili sa tuluyang pagtaba.
Kim at Gerald may something pa rin
Napaka-ambitious ng isang coffee product na nakuha nilang pagsama-samahin sa isang TVC (TV commercial) ang dalawang ex-couples na sina Kim Chiu at Gerald Anderson at maging sina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli at sila lamang ang nakaisip ng konsepto na ‘yon.
May chemistry pa rin talaga on screen sina Kim at Gerald at ganundin naman sina Jessy at Matteo. Gerald in now going steady with Kim’s former best friend na si Maja Salvador at si Matteo naman na ex-boyfriend ni Maja ay rumored boyfriend ngayon ng pop princess na si Sarah Geronimo. Si Jessy naman balitang may foreigner na dini-date habang si Kim ay ‘di pa rin malinaw ang relasyon kay Xian Lim hanggang ngayon.
Endorsement ni Mega kinaiinisan ng fans
Marami ang hindi pabor sa TVC ng megastar na si Sharon Cuneta ng isang noodle brand, dahil hindi umano bagay ang konsepto sa estado ng megastar. Nagtataka rin ang mga tagahanga ni Sharon kung bakit niya tinanggap ang nasabing konsepto.
- Latest