^

PSN Showbiz

Magaling na aktor nakabuntis ng P.A., pero gustong ipa-DNA!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nagbago ng isip si Raymart Santiago, bigla itong dumating sa Araneta Coliseum kamakalawa ng gabi para panoorin ang performance ni Sabina sa dance recital nito ng G Force.

Walang nakapansin na dumating ang aktor dahil ibang gate ang pinasukan nito at umupo sa malayong bahagi ng Araneta.

Panay ang kuha niya ng litrato kay Sabina at ipinu-post niya sa kanyang Instagram account.

Ayaw na raw sana talaga niyang pumunta, pero hindi raw niya matiis na panoorin ang kanyang anak.

Proud na proud si Raymart kay Sabina dahil magaling daw talaga itong sumayaw.

PAK: Nagsisimula nang kumakalat ang kuwento tungkol sa isang magaling na aktor na may nabuntis palang production staff ng programa sa isang mala­king TV network.

Naging bahagi si aktor sa programang iyun at nagkamabutihan sila nitong si production staff.

Pero wala naman daw silang seryosong relasyon, kaya lang may nangyari at nagulat na lang si aktor nang isang araw sinabi sa kanya ni production staff na buntis na ito.

Pinanindigan naman ni aktor ang pagbuntis ni production staff, kaya lang pagkatapos nitong manganak, iba ang naramdaman ni aktor sa baby.

Ngayon ay narinig naming balak ni aktor na ipa-DNA ang baby. Gusto lang daw niyang matiyak na kanya talaga ang baby.

BOOM: Nakunan ng Startalk si Marjorie Barretto sa Quezon City Regional Trial Court kahapon ng umaga.

Nakiusap lang sila na huwag na namin sabihin kung ano ang kasong dinaluhan dahil anak niya ang involved dito.

Tumanggi pa rin siyang magsalita tungkol sa lumalalang hidwaan nila ni Claudine Barretto. Ayaw talaga niyang magsalita kahit anong pilit namin.

Ang abogado niyang si Atty. Lorna Kapunan ang nakausap namin at sinabi niyang nakausap na raw niya si Atty. Ferdie Topacio.

Nangako naman daw ang abogado ni Claudine na hindi na siya magti-tweet o mag-post ng kung anong komento tungkol kay Marjorie at sa anak nito.

Nasaktan daw nang husto ang anak ni Marjorie na si Dani sa mga ipinost ni Atty. Topacio sa kanyang Twitter account, at pati na rin ang kay Claudine.

May mga nag-uudyok daw sa kanila na magdemanda pero pinayuhan daw sila ni Atty. Kapunan na huwag na muna.

Pero sabi raw ni Marjorie, never daw niya papatulan ang mga ipinu-post ni Claudine sa kanyang Instagram account.

vuukle comment

AKTOR

ARANETA COLISEUM

AYAW

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DAW

FERDIE TOPACIO

G FORCE

INSTAGRAM

LORNA KAPUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with