^

PSN Showbiz

Boots Anson Roa pinamisahan ang nambastos

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mabait talaga si Boots Anson Roa dahil imbes na magalit kay Ross Hemingway, nagpamisa pa siya para sa Australian/Canadian na nagmura at nanghampas sa kanya ng diyaryo noong May 22 sa lobby ng condominium building na tinitirhan nila.

May Filipina wife pala ang mataray at palaaway na si Hemingway. Kawawa ang misis ni Hemingway dahil apektado siya ng kasalanan na ginawa ng kan­yang dyowa.

Nakadepende sa nangyari kahapon sa barangay hall ng Barangay Kaunlaran ang susunod na aksyon ni Mama Boots laban kay Hemingway. Kapag hindi sila  nagkasundo, walang choice si Mama Boots kundi idemanda ang pasaway na dayuhan.

Gov. ER dinamayan ni Erap

Nilisan na kahapon ni Governor ER Ejercito ang old capitol building ng Laguna sa Sta. Cruz dahil sa pakiusap ng kanyang uncle, si Manila City Mayor Joseph Estrada na bumaba na siya sa puwesto.

Personal na pinuntahan ni Papa Erap si Papa ER para kumbinsihin ito na iwanan na ang kapitolyo. Ayaw ni Papa Erap na lumaki pa ang gulo at may magbuwis ng buhay kapag nanindigan ang kanyang pamangkin na manatili bilang gobernador ng Laguna.

Anak si ER ni George Estregan, ang pumanaw na kapatid ni Papa Erap. Mula nang mamatay si George, si Papa Erap na ang naging second father ni Papa ER.

Malungkot na malungkot kahapon ang mga supporter ni Papa ER dahil sa pag-alis niya sa puwesto pero nangako siya na magbabalik. Para kay Papa ER, siya pa rin ang ama ng lalawigan ng Laguna, ngayon at magpakailanman.

Sa totoo lang, marami ang nanghinayang sa pagkawala ni Papa ER sa puwesto dahil napaunlad at napaganda niya ang pro­binsya ng Laguna.

Sa kasamaang-palad, dumanas ng pagsubok ang kanyang liderato pero tiyak na makababalik siya sa puwesto, kung tala­gang malaki ang kontribusyon niya sa pag-unlad ng Laguna.

Hindi pa nagpapainterbyu si Papa ER sa media o sa entertainment press mula nang lumabas ang desisyon ng COMELEC na pa­babain siya sa puwesto.

Sa pag-alis ni Papa ER, may mga nagtatanong kung sasali pa rin ba siya sa 2014 Metro Manila Film Festival? Paano na ang pelikula na ginawa ng kanyang anak na si Jerico? Kakandidato pa ba siya bilang gobernador ng Laguna sa 2016 etc.

Tanging si Papa ER lamang ang makasasagot sa mga isyu. Mahal niya ang entertainment press at mahal din siya ng showbiz press. Waiting lang ang entertainment press sa announcement at mga plano ni Papa ER pagkatapos ng temporary goodbye niya kahapon bilang gobernador ng Laguna.

Gab hindi na bago sa showbiz

Walang pressure na nararamdaman si Gab de Leon sa pagpasok nito sa showbiz, kahit alam niya na posibleng ikumpara siya sa kanyang tatay na si Christopher de Leon.

Confident si Gab na matutupad ang dream niya na maging aktor tulad ng kanyang award-winning father. Para kay Gab, iba ang panahon ni Christopher sa panahon niya ngayon.

Confident si Gab dahil suportado ng kanyang mga magulang ang pag-aartista niya.

Sa true lang, hindi naman baguhan sa showbiz si Gab dahil naging mainstay siya noon ng Ang TV ng ABS-CBN. Child star pa lamang noon si Gab at pansamantala na naudlot ang kanyang showbiz career dahil tinapos muna niya ang pag-aaral sa College of Saint Benilde.

Dahil sa sipag at tiyaga, Stylist ni Mark Lapid may sariling salon na

Open na ang beauty salon for men and women ng mahusay na hairstylist na si Narry Naraja.

Si Narry ang favorite hairstylist ng aktor na si Mark Lapid. Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, may sariling beauty salon na siya sa Antipolo City. Para may idea kayo sa galing ni Narry, ipinasusundo pa siya ni Mark sa tuwing magpapagupit ito sa bahay niya sa Porac, Pampanga. Kahit may kalayuan ang kanyang beauty salon, sinundan si Narry ng loyal clients niya.

Salon de Nazz ang pangalan ng beauty salon ni Narry sa ground floor ng Emax Building, Nubla Compound, Circumferential Road, Barangay San Roque, Antipolo City.

 Sa mga nagnanais na masubukan ang husay ni Narry sa paggugupit ng buhok, puwede siyang tawagan sa landline ( 02 ) 956-9140 at cell phone numbers 0905-2275682, 0947-2089563, at 0915-8607811.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

DAHIL

KANYANG

MAMA BOOTS

NARRY

NIYA

PAPA

PAPA ERAP

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with