^

PSN Showbiz

Maegan kinakarir ang paninira sa ama para makabayad at makaipon ng gamit sa lilipatang bahay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: May konting pagbabago sa programming ng GMA 7 sa weekend.

Sa Sabado na ng hapon, pagkatapos ng Asian Horror ang Startalk, at mas maraming bago at mga kakaibang atake ng tsismis ang mapapanood.

Sa Linggo naman pagkatapos ng 24 Oras Weekend mapapanood ang Picture! Picture! ni Ryan Agoncillo.

Kung kailan wala na ang katapat na programa ni Judy Ann Santos, saka naman nailipat ang kay Ryan.

PAK: Obvious na gusto lang mag-ipon ni Maegan Aguilar kaya iniikot na nito ang halos lahat ng mga programa para magsalita ng pawang kasiraan sa kanyang ama.

May isang programa na gustong ilabas ang interview niya, kaya ipinagpaalam ito sa kanya.

Pumayag naman daw siya agad, pero nag-suggest din siyang puwede naman siyang mag-guest kahit token lang daw ang ibigay sa kanya.

Ang gusto sana niyang token ay isang bagong aircon para sa lilipatan niyang bahay.

Inaayos na kasi ang lilipatan niyang bahay, pero kailangan pa raw niyang mag-ipon ng pang-advance at kailangan din niyang mamili ng mga gamit sa bahay.

Kaya tanggap lang siya nang tanggap ng mga TV guestings, at baka puwede naman siyang makalibre ng mga gamit para sa lilipatang bahay.

BOOM: Matindi na naman ang ipinost ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account na kung saan si Marjorie Barretto na naman ang tinira niya.

Mahaba ang ipinost nito na kung saan may patutsada pa siya sa kaugnayan ni Marjorie sa dating alkalde ng Kalookan na si Recom Echiverri.

Nagsimula ito nang magpalitan ng mga patutsada sina Claudine at ang anak ni Marjorie na si Dani Barretto.

Sumali na rin si Atty. Ferdie Topacio na siyang nagtatanggol kay Claudine.

Nag-react kasi si Marjorie sa isang post ni Atty. Topacio sa kanyang Twitter account na: “Year of the Horse nga pala. This could be Danni Barretto’s year…”

Ipinost naman ito ni Marjorie sa kanyang Instagram account at may caption na: “What were you trying to insinuate Atty. Topacio?”

Lalo tuloy lumala ang gulo kaya nag-post na naman si Claudine laban sa nakakaaway na kapatid.

As of presstime, ayaw pa ring magsalita ni Marjorie tungkol dito.

 

ASIAN HORROR

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DANI BARRETTO

DANNI BARRETTO

FERDIE TOPACIO

INSTAGRAM

JUDY ANN SANTOS

MAEGAN AGUILAR

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with