^

PSN Showbiz

Mga premyadong parlorista kinilala sa Gandang Ricky Reyes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutok lang ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) para masaksihan ang mga kaganapan sa 2014 Hair and Make-Up Trends na taunang kumpetisyon sponsored ng Fil-Hair Coop na ginanap sa Metrowalk Tent.

Ang nakatulong ni Mother Ricky Reyes sa paggupit ng cere­monial ribbon ay sina TV host-journalist Ms. Korina Sanchez-Roxas at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Sa loob ng buong tao’y nagdaraos ang Fil-Hair ng regional na paligsahan. Ang mga nagwaging hairdresser at cosmeto­logist ay dumalo sa Metrowalk Tent upang muling makipagpaligsahan at magwagi ng plake, tropeo, korona,  setro  at prem­yong cash bilang pinakamahusay sa hair cut and color, evening make up at bridal make-up.  

Ang mga hurado’y representative ng mga miyembro ng Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association tulad ng Japan, Hong Kong, Macau, Sri Lanka, Malaysia, Taiwan, at China.

Ginawaran din ng Fil-Hair ng Dekada Awards ang Ambassador of Fashion na si Renee Salud, International Fashion Awardee Frederick Peralta at ang Prince of Beats na si Amir Sali bilang pagkilala sa naiambag nila sa mundo ng fashion.

 

AMBASSADOR OF FASHION

AMIR SALI

ASIA PACIFIC HAIRDRESSERS AND COSMETOLOGISTS ASSOCIATION

CHAVIT SINGSON

DEKADA AWARDS

FIL-HAIR

FIL-HAIR COOP

GANDANG RICKY REYES TODO

METROWALK TENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with