Herbert kay Kris: Magkaibigan pa rin kami
MANILA, Philippines - Magkaibigan pa rin sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at TV host-actress Kris Aquino sa kabila ng balitang naudlot nilang relasyon.
Usap-usapan ang pagkakaugnayan nina Herbert at Kris noong Abril nang inamin ni Kris na silang dalawa ay “dating.â€
Subalit makalipas lamang ang ilang araw ay biglang naglabas ng pahayag ang “Queen of All Media" na sila ni Herbert ay “best friends†lamang.
“We started as friends so we're still friends,†sabi ni Herbert sa isang panayam kay Mario Dumual na inere sa TV Patrol nitong Martes ng gabi.
"We try to keep in touch, pero lately hindi masyado. Pero I'm very thankful na na-accommodate niya pa rin tayo bilang kaibigan. Just like with Derek [Ramsay] and some of her friends, Vica Ganda,†dagdag pa niya.
Sa ngayon, ang gusto lamang ni Herbert ay tumutok sa pagiging ama sa kanyang mga anak at ang pagiging mabuting lider sa lungsod. Iza Iglesias, trainee
- Latest