^

PSN Showbiz

Coleen ayaw lagyan ng label ang relasyon nila ni Billy

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa raw magkasintahan sina Coleen Garcia at Billy Crawford pero ayon sa dalaga ay espesyal naman ang kanilang relasyon ng aktor. “May something, may special something. Not girlfriend and boyfriend but I guess the way we see each other. It’s kind of like that already. We see each other in a special way but no labels. Siguro ‘yun ‘yung parang awkward stage in between,” bungad ni Coleen. Para sa dalaga ay hindi pa raw napapanahon na sagutin na niya si Billy na aminado namang noon pa siya nililigawan. “Ako lang, I think I’m waiting for the right time. I’m just very guarded. I learned a lot kasi from things in the past. I’m continuing to learn. I just want to take things slowly. There were a lot of things that I rushed in the past. And I’m just enjoying every stage of this,” dagdag ni Coleen.

Hindi nangangamba ang aktres na magsasawa si Billy sa ginagawang panliligaw nito sa kanya.

“He’s patient. He’s actually one of the most patient people I know and I always tell him that. Wala naman sa number of months. I guess it’s just kapag nararamdaman mo na,” giit pa ng aktres.

Jessy pinaliligaya ng foreigner

Aminado si Jessy Mendiola na kinakabahan siyang makasama si Xian Lim sa isang bagong te­leserye ng Kapamilya network. Natatakot daw ang aktres na makagalitan siya ng mga tagahanga ng tambalan nina Xian at Kim Chiu. “Kinakabahan ako kasi fan din ako ni Kim Chiu. Kinakabahan ako na baka magalit sila sa akin pero at the same time, may fans din kasing supportive. So I’m excited naman to work with someone different. Actually I’ve worked with him before pero ngayon, Xian na siya so nakakakaba,” nakangiting pahayag ni Jessy.

Suportado rin daw ni Kim ang magiging tambalan nina Jessy at Xian sa bagong proyekto. “Napanood ko ‘yung movies nina Kim, ‘yung Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo and Bride for Rent. Ngayon ka-partner ko na siya. Si Kim naman, sobrang bait sa akin so walang problema,” kwento ni Jessy.

 Samantala, masaya raw ang dalaga para sa dating leading man na si Jake Cuenca na may kasintahan ngayong Australian model. “Sobrang happy ako para sa kanya. Sobrang ganda ng girlfriend niya, and nakikita ko ang pictures nila, mukha naman silang happy,” pagbabahagi ng aktres.

Mayroon na rin daw bagong nagpapasaya sa puso ni Jessy ngayon. “Meron naman nagpapasaya ng puso ko. Non-showbiz, pero hindi kami, ah. Napapasaya niya ‘yung puso ko pero hindi kami. Hindi nanliligaw pero parang like ko siya, like niya ako. Sobrang bait niya. Nasa getting to know stage pa lang. hindi siya Pinoy,” pagtatapat ni Jessy. Reports from JAMES C. CANTOS            

ACTUALLY I

BAKIT HINDI KA CRUSH

BILLY CRAWFORD

COLEEN

JESSY

KIM CHIU

SOBRANG

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with