^

PSN Showbiz

Lee Min Ho pinanabikan ng mga Pinoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabalik na ang hari ng Asianovelas na si Lee Min Ho sa telebisyon, sa pag-uumpisa ng pina­kabagong Korean drama na kinilalang Best in Asia, ang The Heirs.

Bago ito umere kahapon, nakailang ulit na itong nag-trend nationwide sa social networking site na Twitter dahil nga sa paghihintay ng fans.

Usap-usapan na rin ang nakakakilig nilang tambalan ng isa sa hottest Korean leading ladies nga­yon na si Park Shin-Hye. Kung si Min Ho ay minahal na ng maraming Pilipino sa kanyang pagganap sa Boys Over Flowers at City Hunter, si Shin-Hye naman ay kinaaliwan na sa mga pinagbidahang Asia­novela tulad ng He’s Beautiful at Heartstrings.

Tunghayan ang kuwento ni Ryan (Min Ho), isang high school student na nag-aaral sa Amerika na tagapagmana ng isang malaking kumpanya sa Korea. Nasa kanya na ang lahat ngunit sa kanyang puso, hinahanap-hanap niya ang pagkakaroon ng isang buong pamilya lalo pa’t anak siya sa labas ng kanyang ama.

Kabaligtaran naman ng kanyang estado ang kay Julia (Shin-Hye), isang babaeng kapos sa yaman na tumulak papuntang Amerika para hanapin ang ateng ikakasal na. Sa kanilang pagkikita, hindi ina­asahan ni Julia na ang mismong kadugo pa ang siyang magtataboy at magnanakaw sa kanya. Kaya naman maiiwan si Julia sa ibang bansa na walang pera at wala ni isang kakilala.

Dito na sila paglalapitin ng tadhana, dahil tutulungan ni Ryan ang dalaga at ilalayo ito sa alanganin. Titira si Julia sa bahay ni Ryan kung saan magsisimulang mahulog ang loob nila sa isa’t isa.

Ngunit ang kanilang umuusbong na love story ay biglang mapuputol sa pagdating ni Rachel, fiancée ni Ryan. Palalayasin nito si Julia kaya naman si Julia ay mapipilitan nang umuwi sa kanila.

Makalipas ang panahon, sila’y muling magkikita sa Korea at haharapin ang lahat ng hahadlang sa kanilang pagmamahalan. Isa na rito ang pamilya ni Ryan na tutol kay Julia dahil anak lamang ito ng isa nilang kasambahay. Kaya naman kinakailangang mamili ni Ryan kung ano ang mas matimbang sa kanya - kapangyarihan o pag-ibig? Kaya niya nga bang talikuran ang yaman para sa babaeng mahal?

Ang The Heirs ay napapanood tuwing hapon, 4:30 p.m., sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. 

 

AMERIKA

ANG THE HEIRS

BOYS OVER FLOWERS

CITY HUNTER

JULIA

KAPAMILYA GOLD

KAYA

MIN HO

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with