^

PSN Showbiz

Aktor parang nagpa-planong magpakamatay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagulat ang followers sa Instagram (IG) ng isang aktor sa post nitong “sooner the better” after ng post niyang quotation na “Whenever life sucks, remember you’re going to die someday.”

Iba ang inisip ng followers ng aktor, kaya pinayuhan nila itong magpakatatag at ‘wag isipin ang pi­nagdaanang malaking problema sa kanyang per­so­­nal life. May nagpayo pang ‘wag niyang isipin ang kamatayan dahil bata pa siya, guwapo at magaling na aktor.

Wala naman siguro balak ang aktor na wakasan ang kanyang buhay, hindi siya papayagan ng kanyang pamilya na laging nakasuporta sa kanya. Baka naman wala siyang ibig sabihin sa kanyang post.

Kung titingnan ang kanyang posts sa IG, mukha namang masaya ang aktor at marami ang ginaga­wa, hindi siya nagmumukmok. Minsan nga, sinasa­got ang mga epal niyang followers na akala’y kilala na siyang lubusan. 

Tom hanggang kaibigan lang talaga ang turing kay Carla

Tututok na naman sa Sunday All Stars ang fans nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez this Sunday, dahil may duet ang TomDen. Mapapalitan na ang disappointment ng kanilang fans nang hindi sila ma­kitang magkasama sa 1st PEP List Awards dahil hindi nakarating si Dennis at may sakit.

Dahil sabay dumating sina Tom at Carla Abellana sa PEP event, inusisa na naman sila kung kailan nila gagawing totohanan ang kanilang love team? Hindi pa rin nagbabago ang sagot ni Tom na friends sila ng ka-love team at ayaw nilang pangunahan at pilitin ang mga mangyayari. Kung magiging sila, mas maganda ‘yung hindi dahil gusto ng fans, kundi dahil ginusto nila.

Ibinalita rin ni Tom na after ng guest role niya sa Niño, muli silang magtatambal ni Carla sa isang soap at kundi June ay July ang airing. Nagulat lang ang aktor nang malamang makakasama nila ni Carla si Rhian Ramos.

Anyway, nabanggit ni Popoy Caritativo, mana­ger ng TomDen na aalis ang aktor end of this month for New York para sa event ng GMA Pinoy TV. Sa July, magkasama sina Dennis at Tom sa London for another GMA event.

Fans nina James at Nadine nawindang sa excitement!

Masaya ang fans nina James Reid at Nadine Lustre sa in-announce ni director Andoy Ranay na may follow-up movie na ang dalawa after ng hit movie nilang Diary ng Pa­nget. Sa Viva Films pa rin ito at siya pa rin ang director.

Talk Back and You’re Dead ang title ng movie na galing pa rin sa Wattapad at kundi kami nagkakamali, ang writer ng Diary ng Panget pa rin ang sumulat.

Nakakatuwa ang reaction ng fans at may suggestion pa silang muling isama sa cast sina Yassi Pressman at Andre Paras para kumpleto ang cast ng Diary ng Panget. Tinanong din si direk Andoy kung sino ang ibang kasama sa cast, kung kailan niya sisimulan ang shooting at kung kailan ang play date ng movie. Ganu’n ka-excited ang fans nina James at Nadine!

Gabby, naghahanap ng bading

Kabilang si Jaclyn Jose sa mga nag-congratulate kay Gabby Eigenmann sa new show ng aktor sa GMA 7 na Dading Bading. Naikuwento ng  aktor na close sila ng dating karelasyon ng amang si Mark Gil, nagti-text  at nagkukumustahan silang dalawa at binibiro pa niya si Jaclyn sa kanyang ama.

Bading na ama ang role ni Gabby sa Dading sa direction ni Ricky Davao at pilot sa  June 23, sa Afternoon Prime time slot. Nang makita namin ang aktor sa 1st PEP List, naghahanap siya ng gagamiting peg sa kanyang role sa mga kaibigang reporter.

Challenge kay Gabby ang Dading Bading dahil hindi lang isang episode siya magiging bading, kundi buong takbo ng series na madalas, tumatagal ng 13 weeks. Kasama niya sina Chynna Ortaleza, Benjamin Alves, Glaiza de Castro, at Gardo Verzosa.   

AFTERNOON PRIME

AKTOR

ANDOY RANAY

ANDRE PARAS

BENJAMIN ALVES

CARLA

CARLA ABELLANA

DADING BADING

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with