^

PSN Showbiz

Nanay ni Heart hindi nakapasok sa painting exhibit, sumilip-silip lang

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Literal na sumilip pala ang nanay ni Heart Evangelista sa painting exhibit ng actress sa Artist Space in Greenbelt.

Sa last day daw ng exhibit (Thursday) ay naispatan ng mga tao sa paligid ng Artist Space sina Mr. & Mrs. Evangelista na sinisilip ang paintings ng anak. Sarado na raw kasi ang nasabing venue kaya walang choice ang parents ng dyowa ni Sen. Chiz Escudero kundi ang idikit ang mukha sa makakapal na salamin.

Kasama raw ng mag-asawa ang kanilang isa pang anak na sumilip.

Ang sabi ng source, nauna na raw doon nagpunta ang tatay ni Heart.

Claudine nakipag-ayos kay Tulfo

Finally nagkaayos na pala sina Claudine Barretto at isa sa Tulfo brothers. Maaalalang nagkaroon ng airport encounter sina Claudine with Raymart (noong ayos pa sila bilang mag-asawa) at si Mon Tulfo sa NAIA nang makita ni Raymart na kinukunan ni Mr. Tulfo ng video/picture sa kanyang ca­mera phone ang nagagalit noong si Claudine sa ground stewardess.

Sinuntok at minura diumano ni Raymart si Mr. Tulfo dahil inaagaw nga nito ang cell phone na pinangbi-video nito.

Lumaki ang isyu, as in super pinag-usapan dahil inatake na nga ng Tulfo brothers ang dating mag-asawa na ngayon ay mortal na magkaaway na rin.

After two years, iba na ang eksena. Nagkaayos na sina Claudine at sila naman ni Raymart ang may ma­tinding away.

Kasama ni Claudine sa kanyang photo na inilagay sa kanyang Instagram account si Raffy Tulfo at ang kanyang lawyer na si Atty. Ferdie Topacio.

“Peace. Had a nice afternoon with you po, Sir Raffy Tulfo. God bless po @ferdietopacio.”

Sarah, magpapaka-referee sa banggaan nina Lea at Bamboo

Magsisimula na ang singing reality search na The Voice Kids ngayong Sabado, (Mayo 24) sa ABS-CBN.

Aarangkada na ang pagpapa­kitang-gilas sa Blind Auditions, ang u­nang stage ng kumpetisyon kung saan pipiliin ng coaches na sina Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga ang young artists na kanilang ime-mentor sa pamamagitan ng pakikinig lamang sa kanilang boses habang nakatalikod.

Ilan lamang umano sa naggagali­ngang young artists na dapat na aba­ngan ay ang young girl mula sa London na nagbalik ng Pilipinas upang iparinig ang kanyang talento, ang palabang little girl na nag-audition dahil gusto niyang makabili ng Barbie doll, at ang isang child star na gustong ipamalas ang kanyang bagong style sa pagkanta.

Masisilayan din ang isang batang OPM singer na pinuntahan pa ng host na si Luis Manzano sa Cebu upang imbitahang sumabak sa Blind Auditions. Abangan din ang pagre-referee ni coach Sarah sa pagitan nina coach Lea at coach Bamboo na nag-showdown para makuha ang isang young artist, at ang kuwelang kantahan ng tatlong coaches kasama ang isang auditionee na idolo si Michael Jackson.

Sino kaya sa kanila ang makakapagpaharap sa coaches?

Sa pagtatapos ng Blind Auditions kinakailangang makapili ang bawat coach ng 18 artists na mapapabilang sa kanilang teams at uusad sa susunod na rounds ng kumpetisyon.                 

vuukle comment

ARTIST SPACE

BLIND AUDITIONS

CHIZ ESCUDERO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

MR. TULFO

RAYMART

TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with