Kris doble-doble ang magiging kita sa MMFF
Hindi lamang si Kris Aquino at Vice Ganda ang magiging mahigpit na magkalaban sa darating na Metro Manila Film Festival 2014 kundi maging si Kris at ang anak niyang si James Yap, Jr. o Bimby. May magkahiwalay na pelikula ang mag-ina. Si Bimby ay kasama sa sequel ng The Unkabogable Praybeyt Benjamin ni Vice, samantalang si Kris ay makakasama naman si Coco Martin sa isang follow-up ng Feng Shui.
Ang saya dahil bukod kina Vice at Bimby, kasama pa rin nila si Richard Yap.
Tiyak din na co-prod ito pareho ni Kris.
Miguel crush na crush si Bianca
Para sa ika-64 anibersaryo ng GMA, isang child-friendly series ang mapapanood, tungkol sa isang batang lalaki na magbibigay inspirasyon sa maraÂming tao.
Tungkol at nilikha para sa mga bata ang Niño, sa pangunguna ni Miguel Tanfelix .
“Ninenerbyos nga po ako dahil may kakulangan sa pag-iisip ang character ko. Siyempre, ayaw ko namang maging simula ito at katapusan ng career ko. Kaya kailangang pagbutihan ko. Palagi kong piÂnapraktis ang role ko sa bahay, sa harap ng salamin.†anang nagbibinatang aktor. Katunayan crush nito ang kanyang kasamahan na si Bianca Umali.
“Pero crush, crush ko lang siya. Mas magkaibigan kami, matagal na,†paliwanag niya.
Gumaganap naman ng role ng Niño incarnate ang child star na si David Remo, kasama rin sa Niño ang mga senior stars na sina Gloria Romero, Luz Valdez, at Kuya Germs. Sa direksyon ito ni Maryo J. delos Reyes.
Rafa gustong sundan ang mga yapak ng ama
May artistang anak na rin pala ang mag-asawang Carlitos Siguion Reyna at Bibeth Orteza. Siya si Rafa Siguion Reyna, kasama sa Niño. Dalawampu’t apat na taong gulang at nagtapos ng kursong komunikasyon sa New York University. Pero ang high school niya ay tinapos niya sa Singapore na kung saan ay nagtuturo ng filmmaking ang kanyang ama kaya libre ang naging pag-aaral niya run.
Isang mahusay na dancer si Rafa at kasalukuyang finalist sa isang dance battle sa TV5. Bagama’t pop ang forte niya ay hindi mahirap sa kanya na pag-aralan ang ballroom dancing. May experience siya sa ballet at jazz. Gusto nÂiyang masundan ang yapak ng kanyanag ama at maging isa ring direktor. Habang inihahanda niya ang kanyang sarili para rito, tumatanggap siya ng mga role. Bukod sa teleserye sa GMA at ang dance battle sa TV5, may ginagawa siyang isang indie film, ang Hari ng Tondo na pinangungunahan ni Robert Arevalo. Prodyus ito ng APT, ng kanyang ama at isa pang ka-partner.
- Latest