Luis hinihintay pa ang proposal ni Angel
Kuhang-kuha ni Luis Manzano ang pagiÂging natural comedian ng amang si Edu Manzano kaya kapag kausap mo siya, asahan na parating may joke itong kasama.
Sa presscon ng The Voice Kids kung saan si Luis ang host along with Toni Gonzaga’s younger sister Alex (na nasa loob pa rin ng Bahay ni Kuya) with judges/coaches Lea Salonga, Bamboo and Sarah Geronimo, tinanong si Luis kung malapit na siyang mag-propose sa girlfriend niyang si Angel.
“On the contrary, ako ang naghihintay ng propoÂsal niya,†seryoso pero pabirong sinabi ng binata ng estranged couple na sina Batangas Governor Vilma Santos at Edu.
Seriously now, inamin ni Luis na sumasagi na rin sa kanilang usapan ni Angel ang planong pagpapakasal and it might happen soon, but soon is not this year dahil pareho pa umano silang busy.
Luis is 33 at 29 naman si Angel, both of age to settle down.
Jay-R tsinugi ng GMA
Almost 11 years na naging bahagi ang R&B Prince na si Jay-R ng SOP, Party Pilipinas, at Sunday All Stars (SAS) and he is thankful to GMA na naging tahanan niya magmula nang mag-decide siyang mag-stay ng Pilipinas kahit nasa Amerika ang kanyang pamilya.
Pero nang mag-reformat ang Sunday All Stars recently, isa si Jay-R sa mga mainstays na tinanggal, bagay na kanyang ikinalungkot. Pero umaasa si Jay-R na hindi doon magtatapos ang kanyang career dahil marami siyang pinagkakaabalahan ngayon. Bukod sa concerts here and abroad, busy siya sa kanyang Homeworks Studio.
Ngayong freelancer na si Jay-R, puwede na siyang mag-guest sa ibang TV network.
Julia at Enrique itinatapat kina Kathryn at Daniel
Walang alinlangan na si Julia Barretto ang next important star sa bakuran ng ABS-CBN kaya ganoon na lamang ang alaga sa kanya ng Kapamilya Network.
Kung mainit at established na ang love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mukhang unti-unti na ring umiinit ang tambalan nina Julia at Enrique Gil sa Mirabella.
Napakaganda ni Julia kahit saan anggulo mo tingnan.
- Latest