^

PSN Showbiz

Lani tanggap nang hindi na kayang makipagsabayan kina Sarah at Angeline!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ilan sina Sarah Geronimo at Angeline Quinto sa mga pinakasikat na singers sa kanilang heneras­yon. Tanggap na raw ni Lani Misalucha na may pumalit na sa kanyang trono pagdating sa pagkanta. “Gano’n naman talaga. It’s just a circle of life. Totoo talaga ‘yun, ang buhay ay parang gulong, iikot at iikot ‘yan. May ipanganganak at ipanganganak talaga. Ano ang mangyayari kung walang darating na bago? Hindi naman habang buhay bata kami. Hindi naman habang buhay nasa tip-top shape ang boses. Hindi naman habang buhay banat ang mukha mo. Hindi habang buhay maganda ang hubog ng katawan mo. Gano’n talaga ‘yon,” nakangiting pahayag ni Lani.

Malaki raw ang paghanga ng singer sa mga nakababatang performers ngayon. “Hindi ko naranasan ang ginagawa nila na tipong naliligo na nga lang sila, nagte-taping pa. Habang kumakain sila, kailangan nilang mag-record. I admire their stamina, their eagerness, their passion. Nag-start na ako sa music industry na may asawa na ako, may dalawang anak at hindi na gano’ng kagandahan ang katawan ko,” pagtatapat ni Lani.

Iniwan ng Asia’s Nightingale ang kanyang career sa Pilipinas noong 2004 para mag-perform sa ilang casino sa Las Vegas. Makalipas ang halos sampung taon ay muling nagbabalik si Lani sa bansa dahil nagtapos na ang kanyang kontrata sa Las Vegas. “Na-miss ko lang ‘yung pagkanta sa mga kababayan natin. Iba kapag nandito ka, nandito ang marami mong kaibigan, nandito ang mga kapatid mo, nandito ang mga masasarap na pagkain,” pagtatapos ng singer.

Samantala, Nailunsad na ang pinakabagong album ni Lani na may titulong The Nightingale Returns: Lani Misalucha Sings The Greatest Filipino Songbook.  

Devon hindi kayang makipagsabayan sa paseksihan kay Meg

Magkasabayan sina James Reid at Devon Seron sa Pinoy Big Brother noong 2010. Proud na proud daw si Devon para kay James dahil naging matagumpay ang pelikula nito na ipinalabas kamakailan. “Sobrang kinongratulate ko talaga siya. Sobrang happy ko, lahat ng co-housemates ko before. Happy kami and proud sa lahat ng achievement niya ngayon. Sana maging humble pa rin siya, pero nagkikita pa rin kami paminsan-minsan,” bungad ni Devon.

Samantala, kapansin-pansin ang bagong look ngayon ng dalaga sa teleseryeng Moon of Desire dahil sa maikli nitong buhok. “Pina-cut ko talaga siya for the role. Kasi kailangan para mabago ang image. Actually, gusto ko talaga i-cut siya na super short like Emma Watson pero minsan hindi ako napapayagan because of projects, pero buti na lang po sa Moon of Desire talagang sinuggest nila para mabago ‘yung image ko,”  kwento ng aktres.

Hindi raw makikipagsabayan sa pagpapa-sexy si Devon sa bida ng nasabing proyekto na si Meg Imperial. “May mga scenes kami na very teen pa rin. Do’n pa rin kami sa mga very teen pa rin ‘yung dating,” giit niya.

-Reports from JAMES C. CANTOS

 

ANGELINE QUINTO

DEVON SERON

EMMA WATSON

GANO

JAMES REID

LANI

LAS VEGAS

MOON OF DESIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with