Xian Lim emosyonal sa kanyang XL2
MANILA, Philippines - Blessing kung ituring ng actor-singer na si Xian Lim ang pinaÂkabagong album niya sa Star Records na XL2 dahil ito ang tumupad sa pangarap niyang ibahagi sa publiko ang mga sariling komposisyon niya.
“Extra special at literal na napaka-personal para sa akin ng second album ko kasi tatlo sa original songs ko, mapapakinggan dito,†pahayag ni Xian na nag-launch ng kanyang singing career noong 2012 sa pamamagitan ng certified gold record niya sa Star Records na So It’s You.
“Na-excite talaga ako at naging emosyonal rin habang nire-record ‘yung mga kanta ko. Naging chance ko kasi iyon para husayan at ibigay ang buong emosyon ko sa pagkanta,†paliwanag ni Xian.
Kabilang sa original songs ni Xian na bahagi ng XL2 ang Alay ko Sa ‘Yo, Iibigin,atKung ‘Di Sa Iyo na naging isa sa theme songs ng primetime teleseryeng Ina Kapatid Anak, kung saan nagtambal siya at ang TeleÂserye Princess na si Kim Chiu.
Bahagi rin ng XL2 ang original tracks na‘Di Bale, Keep In Mind, Ikaw Na, Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo, at ang carrier single na Pag May Time.
Mapapakinggan rin sa album ang revival ni Xian ng OPM classic na Si Aida, si Lorna o si Fe na unang pinasikat ng 80’s music icon na si Marco Sison.
Ang XL2 album ni Xian ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com,www.mymusicstore.com.ph at www.starmusic.ph.
Anchorman inabsuwelto ng GMA
Inabsuwelto ng GMA ang kanilang anchorman na si Mr. Melo del Prado na nasangkot sa pork barrel scam
Ayon sa GMA, ito ay matapos ang isinagawa nilang internal investigation.
“GMA Network, Inc. has announced the results of its internal investigation into reports that DZBB anchorman Melo Del Prado received payoffs from pork barrel funds coursed through the National Agri Business Corporation (NABCOR).
“A three-member panel cleared Del Prado of any wrongdoing stating that they “found no basis to say that Del Prado, while working as an anchorman of GMA/DZBB, received any payoff from any legislator’s pork barrel.â€
“The panel examined several documents including legitimate broadcast contracts, payment vouchers, statements of income taxes withheld and internal GMA forms and procedures and found everything in order.
“The payments made to and received by Del Prado were legitimate and fully doÂcumented advertising transactions between him and the Department of Agriculture.
“It was also noted that the affidavits of NABCOR VP, Administration and Finance and General Services Supervisor Victor Roman Cacal did not even mention Del Prado or any payments he received from NABCOR,†nakalagay sa statement ng GMA 7 na ipinadala kahapon.
Goodbye Tito Ernie…
Ngayong araw na iki-cremate ang veteran entertainment writer na si Tito Ernie Pecho na namatay last Sunday evening sa complications sa sakit na diabetes.
He was 69 nang bawian ng buhay. More than two weeks din siyang na-confine sa Quezon City General Hospital bago nagpaalam.
Sinagot ni QC Mayor Herbert Bautista ang naÂging gastos sa hospital at pagpapa-dialysis at pinagtulungan naman ng maraming kaibigan ng manunulat ang pagbili ng mga gamot. Wala man ang sinasabing ‘first lady’ niya na si Tates Gana na dating tinatawagan ng mga taga-showbiz everytime na may kailangan sila kay Herbert, nag-assign si Mayor Bistek ng staff na puwedeng tawagan anytime in case na may kailangan sa kanyang opisina. Ang entertainment columnist na si Tita Linda Rapadas ang punong-abala para makalapit sa opisina ni Bistek at matulungan si Tito Ernie na isang magaling na entertainment writer.
Bukod kay Mayor Bistek, malaki rin ang naitulong ng opisina ni Cong. Alfred Vargas na nagpadala ng staff na titingin kay Tito Ernie sa mga unang araw nito sa ospital.
Tatlong gabing pinaglamayan si Tito Ernie sa Funeraria Nacional sa Araneta Avenue in Quezon City.
Nagpapasalamat naman ang mga malalapit kay Tito Ernie sa mga tumulong kasama na sina Sir Miguel Belmonte, Edu Manzano, Lolit Solis, Ricky Lo, Sen. Lito Lapid, June Torrejon, Ethel Ramos, Al Pedroche, Shirley Pizzaro, Jojo Gabinete, Baby Gil, PSN Editorial, TV5, Emmie Velarde, NPC President Jerry Yap, at current PMPC President Fernan de Guzman na unang tumulong kay Tito Ernie para madala ito sa hospital matapos mag-collapsed.
Bago siya nagkasakit ay nagsusulat siya sa Pang Masa, sister publication ng PSN.
Goodbye tito Ernie.
- Latest