Bulag at dating may tumor sa utak, seaweed magnate ng Pilipinas
MANILA, Philippines - Ipapakita ni Karen Davila kung paano nagpunÂyagi at naging mega-milyonarya ang isang bulag na yumaman sa seaweed at hindi nagpahadlang sa kanyang kapansanan sa My Puhunan ngayong Miyerkules (Mayo 21) sa ABS-CBN.
Dahil sa pagproproseso ng mga guso, unti-unÂting umangat ang buhay ni Rosalind Wee sa kahiraÂpan. Hinahango mula sa guso ang “carrageenan,†isang natural additive na ginagamit sa pampakapal at pampalapot na mga pagkain tulad ng ice cream, beer, gatas at gelatin.
Kliyente ni Rosalind ang mga bigating kumpanya mula Amerika, England, at Japan.
Sa isang buwan, 400 tonelada ng guso ang piÂnoÂÂÂproseso ng kumpanya ni Rosalind sa kanilang planta sa Carmona, Cavite.
Walumpung porsyento ng carrageenan sa buong mundo ay nanggagaling sa Pilipinas at ang kumpanÂya ni Rosalind ang pinakamalaking producer nito sa bansa.
Ang nakakabilib pa kay Rosalind, napalago niya ang negosyong ito sa kabila ng kanyang kapansaÂnan. “Legally blind†si Rosalind – dahil sa tumor sa kanyang utak noon, tuluyan nang nabulag ang kanyang kanang mata, samantalang kalahati ng kanyang paningin sa kaliwang mata ay sira na rin.
- Latest