Kris at Vice Ganda pagsasabungin sa MMFF!
Hiwalay na proyekto ang ibibigay ng Star CineÂma sa magkaibigang Kris Aquino at Vice Ganda for their Metro Manila Film Festival entry.
Makakasama umano ni Vice Ganda ang bunso ni Kris na si Bimby Aquino Yap at si Kris naman ay isang horror ang gagawin kasama si Coco Martin.
In this case, mukhang malabo nang magkaroon ng sequel ang My Little Bossings na kasama si Bimby although nariyan pa rin naman si Ryzza Mae Dizon.
Magkakaroon umano ng sequel ang The UnkaÂboÂgable Praybeyt Benjamin, isa sa mga top grossing films ni Vice Ganda habang Feng Shui sequel naman ang gagawin ni Kris kasama si Coco.
Sa case naman ni Vic Sotto, hindi pa final kung sequel ng My Little Bossings ang gagawin niya para sa MMFF o bagong material. For sure, kasama pa rin ni Bossing (Vic) ang kanyang bagong anak-anakan na si Ryzza Mae.
Dingdong hindi pa feel mag-pulitika
Sa kabila nang kanyang pagiging busy sa showbiz, may panahon ang actor na si Dingdong Dantes sa kawanggawa laluna sa kanyang itinatag na Yes Pinoy Foundation. At dahil din sa pagiging aktibo ni Dingdong sa National Youth Commission (NYC), siya ang hinirang na Commissioner At Large ng NYC at nung nakaraang May 17 ay nanumpa siya sa kanyang bagong tungkulin na ipinagkatiwala sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino. Pero hindi raw ito nangangahulugan na papasukin din niya ang pulitika balang araw. Wala umano sa kanyang priority list ang pulitika dahil puwede naman daw siyang makatulong nang hindi siya kailangang pumasok dito.
Super busy nga ang nobyo ni Marian Rivera sa maraming pinagkakaabalahang bagay at kasama na rito ang taping ng kanyang bagong primetime series, Ang Dalawang Mrs. Real at may ginagawa rin siyang pelikula, ang Kubot: The Aswang Chronicle kung saan hindi lamang siya bida kundi isa sa mga produÂcers along with Reality Entertainment ni Dondon Monteverde.
- Latest