Triplets bubuhayin ni Sheryl
Matagal-tagal din naming nakakuwentuhan si Sheryl Cruz last week sa dressing room ng Studio 6 ng GMA Annex Bldg. para sa long-running late night variety show na Walang Tulugan with the Master Showman ni German ‘Kuya Germs’ Moreno kung saan isa siya sa mga special guest.
Ibinalita sa amin ni Sheryl na may bago siyang musical/drama TV series sa TV5, ang Trenderas kung saan niya kasama sina Dingdong Avanzado at Tina Paner. Isa pa niyang pinagkakaÂabalahan ay ang kanyang self-produced solo album na nakaÂtakdang i-release next month (June) ng Universal Records at ilu-launch sa ASAP. Ang bagong album ni Sheryl ay hindi lamang sa Pilipinas ire-release kundi maging sa Japan. Ang singer-composer-arranger na si Mon del Rosario ang tumayong producer ng album ni Sheryl. Naka-duet din ni Sheryl si Mon sa sarili nitong composition na pinasikat noon ng yumaong young star na si Julie Vega, ang Somewhere in My Past.
Kasama sa bagong album ni Sheryl ang dalawa sa kanyang mga komposisyon, ang Mananatili na inareglo ni Jun Tamaya at ang The Last To Know na duet nila ng pinsan niyang si Sunshine Cruz at inareglo naman ni Mon del Rosario.
Lahat nang laman ng bagong album ni Sheryl ay pawang OPM songs, were all translated sa Japanese nina Kenjiro Ogata at Junichi Motojima tulad ng Itsumademo (Mananatili), Wasurenaide (Sa Puso ay Ikaw Pa Rin), Sekai ga Owarumade (Habang May Buhay).
“I love Japan, the cuisine, their culture, music, not to mention anime, and manga,†pahayag ni Sheryl.
Ang TV/movie director na si Wenn Deramas ang sumulat at nagdirek ng MTVs ng Itsumademo at Mananatili.
Very much involved din si Sheryl ngayon sa Paper for Now Products, ang label ng recycled products na bahagi ng Crafts for a Cause line na avaiÂlable sa Kultura. Ang isa sa mga adbokasiya ni SheÂryl ay ang makatulong to empower women at ang mga babaeng kanyang tinutulungan ay members ng Sacred Heart Parish ng Welfareville, Mandaluyong.
Samantala, nasa plano rin ni Sheryl ang mag-produce ng album na pagsasamahan nila ng kanyang mga kaibigan na sina Manilyn Reynes at Tina Paner na kilala noon bilang Triplets.
Sina Sheryl, Tina at Manilyn ay pawang mga proÂdukto noon ng That’s Entertainment ni Kuya Germs from 1986 to 1996 along with other stars na aktibo pa rin hanggang ngayon sa showbiz.
Sa That’s Entertainment nabuo ang loveteam noon nina Sheryl at Romnick Sarmienta na mister ngayon ng isa pang taga-That’s na si Harlene Bautista, nakababatang kapatid ni QC Mayor Herbert Bautista.
Mga ‘bagets’ ni Kuya Germs parang pang-That’s na ang labanan
Kaabang-abang ang May 24 edition ng Walang Tulugan with the Master Showman ni Kuya Germs on GMA dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng competition ang mga young members ng programa na ginu-groom ni Kuya Germs na maging malalaking stars. Ang mahigit 60 young members ng Walang Tulugan with the Master Showman ay ginawang apat na grupo at ang apat na grupo ang magpapakitang-gilas ng kanilang creativity at husay sa pagsayaw at pag-awit.
Nagsilbing hurado sina Abby Asistio (anak ng dating aktres na si Veronica Jones kay dating CaÂlooÂÂcan mayor Boy Asistio) at dating Kapamilya hunk actor na si Carlos Agassi.
Dahil sa magandang feedback ng competition, quarterly ay gagawin na ito ng Walang Tulugan with the Master Showman na may touch na ngayon ng mga dating programa ni Kuya Germs, GMA Supershow at That’s Entertainment.
- Latest