^

PSN Showbiz

Coco nasusupladahan kay Ruffa

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Nakakakilig ang tambalan nina Sarah Gero­nimo at Coco Martin sa pelikulang Maybe This Time. Ang Maybe This Time ay isang love story tungkol sa dalawang tao na matututunan ang kahalagahan ng pagiging totoo sa kanilang mga sarili upang manaig ang pag-ibig sa kanilang buhay.

Nang tanungin si Coco kung paano ire-rate si Sarah from 1-10 sinabi nito na perfect 10 ang ibibigay niya sa singer-actress dahil magaling talaga itong umarte. Kahit anong eksena ay kayang-kaya niyang gawin ayon pa sa aktor.

Ang Maybe This Time ay sa direksyon ni Jerry Sineneng at sa panunulat nina Anton Santamaria at Melai Monge. Palabas na ito sa Mayo 28 mula sa Star Cinema at Viva Films.

Puro papuri rin ang sinabi ni Ruffa Gutierrez na kasama din sa Maybe This Time kung saan sinabing maganda ang rapport ng dalawa at super galing sa pag-arte.

“Parehong mas bata sa akin sina Sarah at Coco kaya nakaka-bagets ang feeling. Enjoy ako sa movie” anang aktres

Noong una akala ni Coco ay mataray si Ruffa pero napakabait pala nito kaya nag-enjoy din siyang makatrabaho ito.

Personal

Pasasalamat sa magandang doktora na si Svethlana Maguslog ng Chinese General Hospital na malaki ang naitulong sa pagkakasakit ko. Si Dra. Maguslog ay isang magaling na pulmonary medicine fellow na nagtetraining sa CGH.

ANG MAYBE THIS TIME

ANTON SANTAMARIA

CHINESE GENERAL HOSPITAL

COCO MARTIN

JERRY SINENENG

MAYBE THIS TIME

MELAI MONGE

RUFFA GUTIERREZ

SARAH GERO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with