^

PSN Showbiz

Sakaling matuloy sa pulitika, Luis babu na sa showbiz

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kakaiba ang ipinatawag na presscon ng ABS-CBN para sa kanilang upcoming The Voice Kids bilang follow-up sa unang season ng local franchise ng The Voice, ang The Voice of the Philippines hosted by Luis Manzano at kung saan naman muling tatayong coach-judges sina Lea Salonga, Bamboo, at Sarah Geronimo. Ang presscon ay ginawa sa isang KTV sa Bonifacio Global City sa Taguig City kung saan hiwa-hiwalay na in-interview ng dumalong media sina Luis, Sarah, at Bamboo.  Since KTV ang setting, may chance ang mga dumalong reporter na ma­ka-duet separately sina Sarah at Bamboo kaya panalo ang ating ka­­­samahan sa panulat na si Rey Pumaloy na nagkaroon ng pagka­kataon na maka-duet ang dalawa.  Kung tutuusin, bitin ang ilang enter­tainment press dahil hindi pa man nag-iinit ang intimate Q&A sa magkakahiwalay na sina Luis, Sarah, at Bamboo ay hinihila na sila para lumipat sa ibang KTV room kung saan naman naghihintay ang mga taga-TV.

Pagdating kay Luis, tinanong siya kung alin ang mas priority sa kanya ngayon, kasal or pulitika at kasal ang kanyang pinili. Malamang na magpakasal muna sila ng kanyang kasintahang si Angel Locsin bago siya pumasok sa pulitika in 2016.

Namana ni Luis ang husay sa paghu-host ng kanyang estranged parents na sina Edu Manzano at Batangas Governor Vilma Santos at nakuha rin nito ang pagiging grasyoso ng kanyang equally popular parents. Hindi rin siyempre matatawaran ang parehong pagiging mahusay na actors ng kanyang mga magulang. Hindi rin maitatatwa na nakuha ni Luis ang pagiging natural comedian ng kanyang ama.

Although hindi pa klaro ang pagpasok ni Luis sa pulitika in 2016, naniniwala kami na malamang na ito’y tumakbo sa pagka-mayor ng Lipa City sa Batangas, ang posisyon na unang pinasok ng kanyang ina.

Bukod sa suporta ng kanyang estranged parents, nariyan din ang tulong ng kanyang step-father na si Sen. Ralph Recto na isa nang seasoned public servant.

Kapag pinasok ni Luis ang pulitika, tiyak na iiwanan niya pansamantala ang kanyang acting at TV hosting job tulad nang ginawa ng kanyang inang Star for All Season.

 

ALL SEASON

ANGEL LOCSIN

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

BONIFACIO GLOBAL CITY

EDU MANZANO

KANYANG

LEA SALONGA

LIPA CITY

LUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with