^

PSN Showbiz

TJ ooperahan na naman sa tuhod, pang-13X na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hinintay lang ni TJ Trinidad ang last day taping ng The Borrowed Wife  last Friday, this Monday, muli itong magpapa-opera ng kanyang dalawang tuhod na parehong may depe­rensya sa Cardinal Santos Medical Center.

Pang 13th operation na ito sa mga tuhod ng aktor, six sa kanyang left knee at seven sa right knee at hindi nito alam kung magiging last operation na. Nagsimula siyang operahan sa tuhod when he was young at dahil bumabalik, kaila­ngang paulit-ulit siyang ope­rahan. Ang dami na ngang tahi sa mga tuhod nito.

Osteochondritis ang tawag sa kanyang kondis­yon na noong una’y inakalang polio. Pasalamat si TJ na hindi genetics ang kanyang kondis­yon dahil hindi mapapasa sa kanyang mga anak. Ang mga anak din niya ang dahilan kung bakit muling magpapa-opera si TJ, para raw kaya niyang makipaghabulan sa mga ito.

One month magpapagaling si TJ from his one to two hours operation. Tapos na ang taping niya ng The Borrowed Wife at ending na nito sa May 23. Habang nagpapagaling, magsusulat siya ng script.

Dennis nalilinya sa mga problema ng bansa

Sa May 26, ang first taping schedule ni director Adolf Alix, Jr., sa medical drama na Sa Puso ni Doc, mapapanood every Saturday, sa GMA News TV.

Bida sina Dennis Trillo at Bela Padilla sa Sa Puso ni Doc at pareho silang gagananp na doctor. Kundi kami nagkakamali, first time magkakasama sina Dennis at Bela.

Nalilinya si Dennis sa mga project na nagpapakita sa mga problema ng bansa. Dito sa Sa Puso ni Doc, health care ang tutumbukin at sa Cinemalaya entry na The Janitor, bank robbery at assassination naman ang ipapakita ni Direk Mike Tuviera.

Pinaaabangan din ni Dennis ang ga­ga­win niyang soap sa GMA 7 na ang unang nababalita, si Heart Evan­gelista ang kanyang makakapareha.

Coco na-LSS sa kanta ni Sarah

Ang lakas maka-LSS o Last Song Syndrome ng Maybe This Time, theme song ng Star Cinema at Viva Films movie na showing sa May 28. Pati nga si Coco Martin, na-LSS na at gandang-ganda ito sa pagkakakanta ni Sarah Geronimo.

Hindi lang ang theme song ang patok sa tao, pati ang dialogue ni Steph (Sarah) na “There was never an us. There will never an us, kaya ‘wag mo na akong landiin” ay bukambibig na ng tao.

Sa May 27, ang Red Carpet Gala Premiere ng movie sa SM Megamall na tiyak dudumugin ng fans nina Sarah Geronimo, Coco Martin at Ruffa Gutierrez. Mula ito sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneg.

Gabby bumigay na?!

Cute ang title ng bagong Afternoon Prime ng GMA 7 na Da­ding Bading  na ang interpretation namin ay Daddy na bading.

Ang alam pa lang naming kasama sa cast ng Dading Bading ay sina Gabby Eigenmann, Benjamin Alves, at Glaiza de Castro. Si director Ricky Davao na siyang hahawak sa proyektong ito.

Tama ba kami na si Gabby ang gaganap na bading dito?

ADOLF ALIX

AFTERNOON PRIME

BORROWED WIFE

COCO MARTIN

SA MAY

SA PUSO

SARAH GERONIMO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with