^

PSN Showbiz

Isabella de Leon pasan-pasan lang sa Magnifico noon, ngayon kasama na ni Nora

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bukod kay Jiro Manio, isa pang batang artista na tumatak nang husto sa obra ni Maryo J. delos Reyes na Magnifico ay si Isabella de Leon, ang gumanap na kapatid ni Magnifico na sa kabuuan ng pelikula ay palaging pasan dahil may kapansanan siya.

Nawala man ng ilang panahon si Isabella dahil pi­nagtuunan niya ng pansin ang pag-aaral, pero hin­di naman siya tuluyang lumayo sa mundo na kanyang kinagiliwan.

Ngayon, sa edad na 19 ay nagbabalik showbiz ang dalaga na mas maganda nang artista. Kasama ito sa isang musical drama na ginagawa ng TV5, ang Trenderas, tungkol sa mga sidewalk vendors na naging Internet sensations. Ma­kakasama siya nina Nora Aunor, Dingdong Avanzado, Sheryl Cruz, at Tina Paner.

Isang singer na rin si Isabella at mayroon na siyang album kaya hindi na alangan kung makasama siya sa isang palabas na musical tulad ng Trenderas.

Ewan ko kung nakakontrata na siya sa TV5 dahil nung bata siya ay Kapuso siya. Naging anak siya ni Vic Sotto sa Daddy Di Do Du. Hindi pa nalalaunan ay gumanap siya bilang grown up sa ABS-CBN bilang kapatid ni Jake Cuenca at anak ni Vivian Velez sa Maria Mercedes.

 

Barbie ayaw magpasampal

Inamin ni Barbie Forteza na ayaw niyang sinasampal siya sa mga proyekto na ginagawa niya dahil mas madalas ay nasasaktan siya.

“Pero parang gusto nang manonood na makitang inaaapi-api ako kaya hindi maiwasan na masaktan ako. Kaya kung hindi nila ako itulak-tulak, sinasampal-sampal naman nila ako,” k­uwento ng batang artista na mu­ling maaapi sa Half Sisters at ang mang-aapi sa kanya ay ang gaganap ng kapatid niya na si Thea Tolentino.

 

Jennylyn manghaharana

Manghaharana sa SAS ang Kapuso singer/actress na si Jennylyn Mercado sa launch ng kanyang pinakabagong single na Basta’t Nandito Ka sa ilalim ng GMA Records.

Ang nasabing carrier single ng kanyang bagong album na Never Alone ay maaari nang i-download sa iTunes ngayong Linggo kasabay ng launch nito. Isinulat din ito ni Vehnee Saturno, ang kompositor ng unang single ni Jennylyn na Kahit Sandali na nagbigay sa kanya ng Gold Record award para sa kauna-unahang album niya na Living the Dream noong 2004.

Ang pinakabagong album ni Jennylyn ay magma­marka sa kanyang pagbabalik sa GMA Records at sa kanyang 10th anniversary sa entertainment industry. Kaya naman binubuo ito ng 10 OPM songs ka­tulad ng Kahit Sandali, Sa Hatinggabi, ang theme song ng Rhodora X, at Abot Langit, ang theme song nang magre-rerun na hit Koreanovela na Jewel in the Pa­lace. Kasali rin sa album ang revival ni Jennylyn na hit ni Ella Mae Saison na ‘Til My Heartaches End.

ABOT LANGIT

BARBIE FORTEZA

DADDY DI DO DU

JENNYLYN

KAHIT SANDALI

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with