^

PSN Showbiz

Carlos Agassi puwede sa kahit saang network

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatapak ng GMA studio ang isa sa mga original hunk actors ng ABS-CBN na si Carlos Agassi nang ito’y mag-guest sa ta­ping the Celebrity Talk segment namin ni German ‘Kuya Germs’ Moreno last Friday (May 16) evening.

Freelancer na ngayon si Carlos at wala siyang exclusive contract with any TV network.

Nagpahayag si Carlos ng pasasalamat sa amin ni Kuya Germs dahil for the first time ay nakapag-guest siya sa long-running late night show ng vete­ran TV host-comedian, ang Walang Tulugan with the Master Showman now on its 18th year.

“Nakakapanibago,” aniya. “Napakaluwag ng security at napaka-warm ng mga tao,” kuwento niya.

Given the chance, open si Carlos na magtrabaho sa Kapuso network.

“I don’t have any contract with any TV network kaya bukas ako sa posibilidad,” aniya.

Very talented si Carlos, he can act, dance, host and rap kaya marami siyang puwedeng gawin.  Sa ngayon, busy ang actor-dancer-rapper sa paghu-host sa iba’t ibang corporate shows at hindi rin niya kinalilimutan ang kanyang pag-gi-gym. 

Si Carlos ay isa sa mga original member ng The Hunks ng ABS-CBN na kinabibilangan noon nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Bernard Palanca.

BERNARD PALANCA

CARLOS AGASSI

CELEBRITY TALK

DIETHER OCAMPO

JERICHO ROSALES

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

PIOLO PASCUAL

SI CARLOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with