Anne kinantahan ang mga kaaway!
MANILA, Philippines - Buwis-buhay nga ang ginawa ni Anne Curtis sa kanyang The Forbidden Concert : Annekapal na idinaos sa Araneta Coliseum last Friday night.
Sa opening number pa lang, sakay na siya nang buÂmababang sofa habang bumibirit ng Will Always Love You.
Sumirku-sirko naman siya gamit ang harness na mula sa sikat at sosyal na Broadway production, Cirque de Soleil habang bumibirit ng Dark Horse ni Katy Perry ang sunod na paandar niya sa kanyang second major concert.
Delikado nga pala talaga ang ginawa niya na maging ang Araneta management ay natakot kaya muntik na ‘yung ilipat ng venue. Kinunan naman daw ng multi-million peso insurance si Anne para sa nasabing pagtambling sa ere na nakaya niya.
Bukod sa pagsirko sa ere, ang gaganda rin ng outfits niya. Kabogera. Mismong Viva insider ang nagsabi na milÂyones ang ginastos nila sa mga sinuot sa naturang concert. Nag-hire pa sila ng mga designer sa abroad.
At sa totoo lang, malaki ang iginanda ng boses ni Anne. Nakaya niyang makipag-duet sa mga bigating singer like Robert Seña. Yup, bumirit ng oÂpera classic si Anne, Nessun Dorma (English: None shall sleep) with Robert Seña.
Bukod sa nakayanan niya, ang ganda ng gown na ginamit niya sa duet nilang ‘yun.
Sa kantang Let It Go, doon niya ginamit ang gown na nag-iiba-iba ang ilaw. Uy ang bongga. Parang international singer ang effect.
At siyempre, panalo ang On The Wings of Love duet nila ni Regine Velasquez. Na-over excite si Anne kaya may paangat-angat pa siya ng paa habang bumibirit.
Meron din silang duet ni Ogie Alcasid, ang hit song na Say Something ng A Great Big World and Christina Aguilera version.
At siyempre kinanta nila ni Martin Nievera ang patok nilang duet sa YouTube na Without You.
Malaki na actually ang iginanda ng boses ni Anne. Hindi na siya gaanong sintunado at pumipiyok. Nahasa na rin siÂguro dahil bago ang concert na ito ay nag-voice lesson siya.
Naaliw naman ang audience nang tawagin sina Luis Manzano and Billy Crawford na nakipag-duet din sa kanya – sila ni Luis, Forevermore at ‘yung kanta ni Billy, Only You, sabay tawag sa stage kay Sam Milby na siyang nag-revive nang nasabing kanta, na kinaaliwan ng audience. At saka doon na kumanta si Anne ng My Way.
Sa solo spots ni Anne, kinanta niya ang Titanium ni David Guetta na para raw sa mga kritiko niya. Hindi niya napigilang umiyak. “I think the reason why I want to sing this is because I love the lyrics. It best represents kung anong gusto kong sabihin sa mga tao na may nasasabi. Pero more than anything, I want to thank everyone na nandito tonight. Because you know, I had my ups and downs, I had my lessons learned but you guys stick with me though thick and thin. So maraÂming salamat sa inyo. Thanks guys for keeping the faith,†sabi niya tungkol sa mga pinagdaanan niyang intriga.
Dedicated naman sa kanyang mahal na ina ang Wind Beneath My Wings ni Bette Midler.
Hanggang ending, pasabog ang ginawa ni Anne. Matapos magsasayaw, kumanta at magsuot ng heels, ayun nag-shower siya habang kinakanta ang Basang-Basa sa Ulan ng Aegis habang lumabas ang higanteng apple.
Anyway, isang malaking pasabog ang AnneKapal na ngayon ay binansagan nang AnneGaling!
Vice ganda may bagong summer paandar
Magpapasiklab ng bagong paandar ang Phenomenal Star na si Vice Ganda sa special summer adventure ng ASAP19 ngayong Linggo (Mayo 18). Sasamahan si Vice ng sikat na international boy group na Before You Exit.
Mayayanig ang lahat sa performances ng Teen King na si Daniel Padilla at nang isa sa mga host ng malapit nang umere na The Voice Kids na si Bamboo.
Abangan ang musical treat ni Marco Sison kasama sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla at Gary Valenciano; acoustic jamming nina Kitchie Nadal, Aiza, Tutti, Nikki at Richard Poon; karaoke sing-along nina Jovit, Marcelito, Klarisse at Morissette; champions face-off nina Jed, Erik, Yeng at Angeline; at sorpresa sa ASAP Fans Day Presents na tatampukan ng Gimme 5 kasama sina Jairus, Sharlene and Alexa.
Tutukan ang harana ng Kapamilya leading men na sina Daniel, Enrique, Xian at Piolo Pascual; at special birthday treat mula sa Rockustic Heartthrob na si Sam Milby.
May kwelang dance number ng ASAP Supahdance nina Shaina, Iya, Rayver, John, Julia Barretto, Liza Soberano, Robi Domingo at Luis Manzano; at mainit na pasabog mula kina Maja Salvador at Enrique Gil.
Maki-party sa longest-running, award-winning variety show, ASAP 19, ngaÂyong Linggo, 12:15 nn, sa ABS-CBN.
Aiai magde-demonstrate kung paano magpasikip
Ayan sa mga hindi pa gaanong pamilyar at nag-i-imagine lang kung paano ang proseso ng FemiLift, ang bagong machine sa clinic ni Dra. Vicki Belo na pampasikip ng vagina, pag-uusapan ito ngayong Linggo sa programang Samalat Dok kung saan andun si AiAi delas Alas na endorser nito para ikuwento ang naging karanasan niya sa unang pagsabak sa Pussykip, ang painless at walang operang procedure na magbabalik sa inyong pagiging ‘intact’ na pagkababae.
Dati marami pang nahihiyang pag-usapan ang tungkol sa ganitong bagay, aba ngayon, open na ang lahat. At pati kalalakihan, nagkaka-interes na rin.
Noon uso lang ang ‘landscaping’ and ‘flower arrangement’ ngayon may Pussykip na.
In just three 10-minute sessions (once for three consecutive months) uÂsing fractional carbon dioxide laser to restructure and restore damaged tissues, Femilift safely increases the collagen and elastin in the vaginal wall for more pleasurable contact. It can also tighten the floor of the pelvic area and help solve problems on urinary incontinence or urine leaking caused by coughing, sneezing, laughing and running – problems oftentimes experienced by mÂothers of certain age bracket. The procedure doesn’t require any anesthesia or numbing cream.
Bukod sa Pussykip, pag-uusapan din sa SaÂlamat Dok ang ZO 3-Step Peel and State-of-the-art acne treatment called LED / Ray Of Inara.
Mapapanood ito this Sunday (May 18), 7:30 a.m. on ABS-CBN, with simulcast on ANC.
- Latest