^

PSN Showbiz

Donaire umaming biktima ng pambu-bully

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin ng sikat na boksingerong si Nonito The Filipino Flash Donaire, Jr. na biktima siya ng pambu-bully noong siya ay bata pa, liban pa sa pagkakaroon ng hika, bago siya maging isang world-class fighter.

 â€œNoong pumunta ako sa U.S., hindi ako marunong mag-Ingles, maliit ako, at payat. Kaya talagang target ako ng mga bully sa playground,” pagsasariwa ni Donaire sa Tapatan ni Tunying na napanood kahapon.

Dagdag niya, “Wala akong magawa. Kahit subukan kong suntukin sila, wala rin kasi mas malaki sila.”

Paano nga ba nalampasan ni Donaire ang mga naranasang pang-aapi noong siya ay bata pa at paano siya nagpursige upang makagawa ng pangalan sa larangan ng palakasan?

Habang si Donaire ay naghahanda sa nalalapit niyang laban kontra sa South African at WBA/IBO featherweight champion na si Simpiwe Vetyeka sa Mayo 31, nahaharap rin sa isang pagsubok ang dating senador na si Francis Pangi­li­nan na kamakailan ay itinalaga bilang presidential assistant for food security and agricultural modernization. Inatasan mismo ng pangulo si Pangili­nan na ‘linisin’ ang Department of Agriculture na nahaharap sa ilang kaso ng kurapsyon sa ilalim ng pamumuno ni Agriculture Secretary Proceso Alcala.

Nilinaw naman ni Pangilinan na hindi niya papalitaan sa posisyon si Sec. Alcala subalit aalalayan niya ito sa pagharap sa iba’t-ibang problemang susubok sa departamento. 

“Kahit sinong nandiyan pwede kong katrabaho. Walang problema basta iisa lang ang layunin at nagkakaisa doon sa tamang palakad. Siya si Batman, ako si Robin. Magtutulungan kami,” sabi ni Pangilinan.

 

AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA

ALCALA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DONAIRE

FRANCIS PANGI

KAHIT

NONITO THE FILIPINO FLASH DONAIRE

PANGILINAN

SIMPIWE VETYEKA

SOUTH AFRICAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with