Ginuman Fest totodo sa Norte
MANILA, Philippines - Patuloy na paiinitin ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang summer season sa pamamagitan ng Ginuman Fest – ang pinaka-inaabangan at sobÂrang matagumpay na concert series ng brand, na kaÂsaÂlukuyang nililibot ang buong bansa kasama ang mga brand ambassadors nito na kinabibilangan ng ilan sa pinaka-maiinit, pinaka-influential at pinaka-talentadong mga artista ng industriya ngayon.
Ngayong ikatlong taon na ito, patuloy ang Ginuman Fest sa pagbibigay kasiyahan sa lahat ng mga loyal at solid na ‘kalahi’ sa buong bansa. Bawat leg ng series na ito ay hitik na hitik sa mataas na kalidad ng musika mula sa mga brand ambassadors na inaÂasahang aawit ng kanilang mga greatest hits, hottest chart-toppers, standard favorites at party anthems.
Bukod sa musical extravaganza na inaalay ng Ginuman Fest, isa rin itong game show kung saan maraming mapapanalunan ang mga ka-barangay sa bawat leg. May inuman, kainan, at mga side-games na siguradong papatok sa mga kabarangay.
Ang Ginuman Fest ay ang munting paraan ng GSMI upang pasalamatan ang milyun-milyong mga kalahi na siyang dahilan ng pagiging no. 1 gin nito sa buong mundo.
Maaari ding subukan at bilhin ng mga concertgoers sa mga Ginuman Fest venues ang iba pang mga GSMI products gaya ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Gran Matador Brandy at Antonov Vodka.
Ngayong Mayo, bibisita ang Ginuman Fest sa Pozorrubio, Pangasinan (Mayo 16, Pozorrubio Sports Complex, Brgy. Cablong) kung saan mag-peperform ang Ginebra San Miguel Ganado Girls kasama ang The Itchyworms; sa Bayombong, Nueva Vizcaya (Mayo 17, Clisoc Field/Dumlao StaÂdium, Brgy. Don Domingo Maddela) kung saan makikipagsanib puwersa ang Banda Ni Kleggy sa Rocksteddy at sa Ginebra San Miguel Ganado Girls; sa Baliwag, Bulacan (Mayo 24, Glorietta Park, Poblacion) kung saan makakasama ng Ginebra San Miguel Ganado Girls ang Banda Ni Kleggy at Rocksteddy; at sa Imus Cavite (Mayo 24, Pilot EleÂmentary School, Nueno Avenue) kung saan magpe-Âperform ang Gracenote, Calallily, at Kenyo.
Naka-schedule ang iba pang mga legs ng Ginuman Fest sa Hunyo 14 (Tuguegarao, Cagayan Valley), Hunyo 19 (Daet, Camarines Norte), at Hunyo 21 (San Juan, Metro Manila).
Tumanggap ang Ginebra San Miguel ng ika-anim na Gold Quality Medal at pangalawang International High Quality Trophy ng Monde World SeÂlection noong nakaraang taon. Napanatili rin ng Ginebra ang pagiging no. 1 gin sa buong mundo ayon sa Drinks International.
- Latest