^

PSN Showbiz

Tom at Antoinette, pumirma na ng kontrata sa Viva

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nasa Megamall kami ng sister kong si Mana Meriam Amoyo last Tuesday afternoon when we bumped into Antoinette Taus, her younger brother Tom, and their dad paakyat ng escalator.  Nagulat si Toni (palayaw ni Antoinette) nang tawagin namin siya.  Sandali kaming nagkamustahan at nagkakuwentuhan at ibinalita nito na kagagaling lamang nila sa Viva Entertainment kung saan sila nag-sign-up ng brother niyang si Tom ng management contract.  Wala na sila sa pangangalaga ni Gina Tabuena, ang half-sister ni Martin Nievera na sandali silang hinawakan magmula nang sila’y magbalik-bayan a couple of months back.

Kung tutuusin, bakasyon lamang sa Pilipinas ang purpose nina Toni at Tom with their dad, pero naging sunud-sunod ang offers sa kanila until they decided to give their showbiz career another try.

Mahigit sampung taon ding namirmihan sa Amerika ang Taus family at paminsan-minsan ay nagbabakasyon sila ng bansa laluna na sa hometown ng kanyang nasirang ina sa Angeles, Pampanga.

Mga na-link kay Sandara parehong naglaho sa eksena

Tiyak na muling gagawa ng ingay ang pagbisita ng dating Kapamilya star na si Sandara Park sa PBB House ngayong Huwebes.  Nasa bansa ang dating ka-loveteam ni Hero Angeles na kapareho ni Sandara ay produkto ng reality based talent search na Star Circle Quest kung saan si Hero ang nanalo at pumangalawa naman si Sandara.  Iyon din ang naging simula ng kanilang love team noon.

Hindi aware ang marami na may kinalaman ang aktres na si Pauleen Luna sa pagkakapasok sa showbiz ni Sandara.  Si Pauleen ang nag-encourage kay Sandara na sumali sa audition in 2004 ng Star Circle Quest.  At that time ay Kapamilya talent pa si Pauleen.

Sampung taong gulang pa lamang noon si Sandara nang mag-move sa Pilipinas ang kanyang pamilya from Busan, Korea.

Nakagawa siya ng mga pelikula at teleserye at nakakuha nang mga award.

Fourth and last movie naman ni Sandara ang Super Noypi na naging kalahok sa ika-32nd Metro Manila Film Festival in 2006.

Nakagawa rin siya ng album under Star Records kung saan hango ang kanyang hit novelty song na In or Out.

Nang makatanggap si Sandara Park ng workshop sa Korea mula sa YG Entertainment, sandali siyang nawala at muling bumalik ng Pilipinas after six months. Pero nung 2007 ay tuluyan nang tinalikuran ni Sandara ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para harapin ang hamon sa kanyang native land sa South Korea. Pumirma siya ng kontrata sa YG Entertainment at nung 2009 ay binuo ang all-girl group na 21 which was later renamed 2NE1.  Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang pagbulusok ng karera sa South Korea ni Sandara sa pamamagitan ng 2NE1 K-pop group.

Ngayong Sabado, May 17, nakatakdang magtanghal ang 2NE1 sa SM-MOA Arena.

Habang patuloy sa pagsikat si Sandara sa South Korea ay siya namang pagkawala sa eksena ng dalawang lalaking napalapit sa kanya, sina Hero Angeles at Joseph Bitangcol. Nasaan ka kaya sila?

ANTOINETTE TAUS

GINA TABUENA

HERO ANGELES

JOSEPH BITANGCOL

PILIPINAS

SANDARA

SANDARA PARK

SOUTH KOREA

STAR CIRCLE QUEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with