Tuloy pala sa pagtira Aktres nakadroga nang mag-guest sa game show, Magpapayanig sa showbiz nanay nina Gretchen at Marjorie nag-iwan na ng sulat, babasahin lang
PIK : Kababalik lang nina Regine Velasquez galing sa halos isang linggong bakasyon sa Boracay kasama ang buong pamilya.
Tuwang-tuwa ang Songbird dahil nag-enjoy daw doon si Nate, at kasama pa ang lola niya.
Nag-tape na rin doon si Regine ng ilang episodes ng Sarap Diva. Pero hindi pa ito ang mapapanood sa Sabado.
Ang magdabarkads na Isabelle Daza at Julia Clarete ang special guests na magsi-share ng mga healthy na putaheng ‘di nakakataba.
PAK: Kapansin-pansin ang kakaibang kilos ni magaling na aktres sa isang game show na inapiran niya.
Matagal na kasing natsitsismis ang isyung droga na ikinakabit kay aktres, pero ang buong akala nila nagbago na ito.
Pero nang mag-guest ito sa isang game show, ibang-iba siyang kumilos at hindi makahirit ang mga kasamahang nag-guest dahil walang tigil daw sa pagsalita si aktres.
Sobrang hyper daw ito at walang tigil sa kasasalita kaya nagdududa sila kung ano ang tinira ni aktres nung araw na iyun.
BOOM: Nag-react si Mommy Inday Barretto sa kuwento ni Gretchen Barretto na pinakiusapan daw sila na dalhin sa hospital si Claudine kaya nagdala sila ng ambulansya para kunin ito.
Nangyari raw ito nung 2010 na kung saan bigÂlang dumating daw si Gretchen na may kasabay na ambulansya para dalhin daw ito sa hospital. Ipinakiusap daw ito ng Mommy at Daddy nila.
Nagpadala ng statement si Mommy Inday kahapon na pinasinungalingan ang naturang kuwento ni Gretchen.
Sabi nito: “No, we did not call nor talk to Marjorie, nor to Gretchen, as GretÂchen and I were not even in good terms then.
“During that time, Mike and I were in Subic. We only found out that they (Marjorie and Gretchen) were there (in Claudine’s house) when Claudine called for help because she was afraid of the ambulance.â€
Meron pa palang inihandang sulat si Mommy Inday para kay Marjorie at GretÂchen na ang bilin nito, babasahin lang daw nila ito kapag pumanaw na siya.
- Latest